Thursday, November 4, 2021

Ping: Mas Mainam ang Habambuhay na Pagkakakulong, Reporma Kapalit Ng Death Penalty

Nobyembre 4, 2021 - Mas mabuting hayaang mabuhay ang isang kriminal kaysa kitilin ang buhay ng isang inosenteng tao na biktima ng maling paghatol.


Ayon kay Senador Ping Lacson, nagbago ang kanyang pananaw sa death penalty para sa mga karumal-dumal na krimen, at mas piniling isulong ang habambuhay na pagkakakulong at reporma sa pagbibigay ng parusa sa mga nagkasala.


"Mas matimbang ang ma-save ang buhay ng wrongly convicted. So nagbago ang aking pananaw, iwi-withdraw ko ang aking na-file na bill," ani Lacson sa kanyang kauna-unahang LACSON-SOTTO media forum nitong Huwebes.


Aniya, matagal niya itong pinagdesisyunan, lalo na't matapos niyang mapanood ang "The Life of David Gale" kung saan naisip ni Lacson na may mas makataong solusyon kaysa sa pagkitil ng buhay ng isang nilalang kahit na nahatulan silang guilty sa karumal-dumal na krimen tulad ng drug-related offenses.


Sinuportahan din ni Lacson ang rekomendasyon ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III na ikulong ang mga drug lord sa isang "super max" penitentiary, kung saan wala silang komunikasyon sa kahit kanino na nasa labas ng piitan.


"Napakaganda ng suggestion ni Senate President Sotto. Magdurusa habang buhay at walang gagawin kundi magsisi. Kung habang buhay hanggang mamatay sa kulungan," paliwanag ni Lacson.


Ngunit sinabi rin ni Lacson na importante rin na magkaroon ng reporma sa penitentiary system, para maiwasan ang pagbibigay pabor sa mga convict na nanunuhol ng pera.


"Ireporma ang penitentiary system... Mas mainam na ang guilty ikulong habang buhay sa halip na inosente ma-execute dahil sa pagkakamali," dagdag ni Lacson.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post