Thursday, November 4, 2021

Ping, Pahahalagahan ang Kalayaan sa Pamamahayag at Transparency sa Kanyang Pamumuno

Nobyembre 4, 2021 - Siguro ni Senador Ping Lacson nitong Huwebes na kanyang bibigyang halaga ang malayang pamamahayag at pagiging transparent sa ilalim ng kanyang pamumuno.


Para kay Lacson na tumatakbo sa pagka-Pangulo sa ilalim ng Partido Reporma, walang dahilan ang gobyerno para magtago ng kahit ano kung wala naman itong ginagawang masama sa taumbayan.


"Una, ang freedom of the press hindi lang importante sa demokrasya. It is democracy itself," ani Lacson sa kauna-unahang LACSON-SOTTO media forum.


"Bakit kami kailangan magtago? I’m all for it," dagdag nito.


Sinabi naman ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III na tumatakbo sa pagka-Bise Presidente sa ilalim ng Nationalist People's Coalition na pagtitibayin ng kanilang administrasyon ang kalayaan sa pangangalap ng impormasyon mula sa gobyerno o freedom of information.


"We will pursue freedom of information," ani Sotto.


Sa kabilang banda, binigyang diin muli ni Lacson na handa sila ni Sotto na ipresenta sa taumbayan ang kanilang mga solusyon sa mga problema ng bansa. Ibinahagi rin nita ang naganap na pagpupulong niya sa mga ambassador nitong Miyerkules ng gabi.


"May nakahanda kaming solution, katulong namin mga expert sa kani-kanilang fields of interest. Nakahanda kami magbigay ng solusyon sa problema sa ating bansa," saad ni Lacson.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post