Saturday, October 30, 2021

Ping, Payag sa Debate Pero Hindi Makikisali sa Paninira ng Ibang Kandidato

Oktubre 30, 2021 - Game tayo sa presidential debates at forums para mailatag ang ating plataporma sa gobyerno - pero hindi tayo sasali sa batuhan ng putik o siraan, mga intriga at iba pang "dirty tricks" sa pulitika.


Ito ang naging maliwanag na pahayag ni Senador Ping Lacson nitong Sabado bilang kasunduan nila ng kanyang running mate na si Senate President Vicente "Tito" Sotto III.


"Gusto namin ibahin. Ang gutter politics at siraan, iiwasan. Ang iba nagsisiraan, kami hindi nakikihalo," ani Lacson sa kanyang panayam sa DWIZ Radio.


"Pag issue lamang kami kasi ang pinaglalaban namin ang experience, track record at ginawa namin, both executive and legislative work," dagdag nito.


Si Lacson na tumatakbo sa pagka-Pangulo sa ilalim ng Partido Reporma ay may karanasan ng tatlong dekada sa aspeto ng law enforcement, kabilang na ang kanyang pamumuno sa Philippine National Police mula 1999 hanggang 2001 bago maging senador. Naglingkod din siya bilang Presidential Assistant on Rehabilitation and Recovery (PARR).


Sa kabilang banda, si Sotto naman na tumatakbo sa pagka-Bise Presidente sa ilalim ng Nationalist People's Coalition, ay nanungkulan din noon bilang bise-alkalde ng Quezon City at pinamunuan ang Dangerous Drugs Board, bukod sa pagiging senador.


Si Lacson ang unang kandidato sa pagka-Presidente na lalabas sa presidential forum na inorganisa ng Financial Executives Institute of the Philippines, Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Cignal TV at The Manila Times. Gaganapin ito ngayong Sabado ng gabi.


Maliban sa naturang forum, sinabi ni Lacson na handa sila ni Sotto na sumali sa iba pang forums para ipresenta ang kanilang mga solusyon sa samu't saring problema na kinakaharap ng bansa.


"Bukod sa debate may ganyang forum ino-organize, willing kami maglahad ng road map at platform. Mabuti yan para maunawaan ng iba't ibang sector ang aming planong gawin," saad ni Lacson.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post