Ping: Mas Kailangan ng Inklusibong Badyet sa Gitna ng Pandemya
Oktubre 25, 2021 - Dahil sa pandemya, mas naging importante ang pagkakaroon ng inklusibo at development-oriented na badyet kung saan may partisipasyon sa paggawa ng panukalang badyet ang mga makikinabang nito sa lokal na lebel, ayon kay Senador Ping Lacson nitong Lunes.
Bilang tugon sa "Budget Serye 2021" ng Social Watch Philippines, sinabi ni Lacson na ang badyet ang pinakaimportanteng kasangkapan para matugunan ang mga problema ng lipunan na mas pinalala pa ng pandemya.
"The national budget is the government's most important tool in achieving its goals, especially in the midst of an unprecedented health crisis when all our social, economic and political problems have magnified into massive scale," aniya.
"More than ever, we must demand for a national budget that is participatory, consultative, development-oriented, and inclusive - one that equalizes opportunities for all and serves the will of our people," dagdag ni Lacson.
Binigyang diin din ni Lacson ang kanyang suporta sa SWP at sa Alternative Budget Initiative (ABI), upang maisulong ang aktibong partisipasyon ng mga mamamayan sa paggawa ng pambansang badyet.
Nakilala si Lacson bilang mahigpit na bantay sa pambansang pondo dahil sa kanyang masusing pagsusuri sa mga kahina-hinalang insertions (a.k.a. pork barrel) sa panukalang badyet taun-taon.
Noong nakaraang Agosto, nagbitiw siya bilang Vice Chairman ng Senate Committee on Finance, at Chairman ng Subcommittee C ng komite, para mas mapagtuunan ng pansin ang paghihimay sa P5.024-trillyong badyet para sa 2022, at para maiwasan na rin ang pagkakaroon ng mga red flag na kabilang sa audit report ng Commission on Audit sa iba't ibang ahensya ng gobyerno.
Sa kabilang banda, isinusulong din ni Lacson ang reporma sa badyet sa pamamagitan ng mga panukalang batas tulad ng Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE), na nagsisiguro na mabibigyan ng sapat na resources para sa local development projects ang lokal na pamahalaan.
*********
0 comments:
Post a Comment