Ping: Eleksyon, 'Di Tungkol sa Personalidad Kundi sa Mga Solusyon sa Problema ng Lipunan
Oktubre 24, 2021 - Ang darating na eleksyon sa Mayo 2022 ay hindi dapat nakatuon sa mga personalidad kundi sa paghanap ng mga solusyon sa samu't saring problema sa lipunan, ani Senador Ping Lacson nitong Sabado.
Sa "Online Kumustahan" ni Lacson at Senate President Vicente C. Sotto III sa mga residente ng ikalawang distrito ng Antipolo City, sinabi ni Lacson na lubos na kailangan ang karanasan, abilidad at integridad sa paglilingkod sa bayan.
"Ang eleksyon sa May 2022 is not about personalities or those running for different elective positions either sa national or local. It is more about knowing the enormous problems and offering solutions. It is more about competence, experience, and loyalty in public service," diin ni Lacson.
"Ayusin natin ang gobyerno para maayos ang buhay ng Pilipino. Hindi ito kaya gawin ng isa, dalawa o sampung Pilipino lamang," dagdag pa ni Lacson.
Binigyang diin muli ng presidential aspitant na hindi dapat tinitignan ang mga gimik ng mga tumatakbong pulitiko kundi ang pagiging seryoso ng isang lingkod bayan na bigyang solusyon ang mga problema ng bansa sa gitna ng pandemya.
Ayon kay Lacson, na tumatakbo sa pagka-Pangulo sa ilalim ng Partido Reporma, kabilang sa mga problemang kakaharapin ng susunod na Pangulo ay ang malaking utang ng bansa, korapsyon, epekto ng Covid pandemic, at ang soberenya sa West Philippine Sea. Aniya, dulot ito ng hindi maayos na pamumuno at masosolusyonan lamang ng maayos na pamamalakad sa gobyerno.
Importante rin na maibalik ang tiwala sa gobyerno - bagay na nais mangyari ni Lacson sa pamamagitan ng mga polisiya na magsasa-ayos ng burukrasya at pagpapairal ng leadership by example.
Dagdag pa ni Lacson, ang mga solusyon sa problema ng bansa ay dapat na naka base sa datos, siyensya at pagsasaliksik, at pakikipagtulungan sa pribadong sektor at mga lokal na unit sa halip na overregulation.
"Dapat maibalik ang tiwala sa liderato. At yan ang aming pagsisikapan," pangako ni Lacson.
"The biggest problem of this country is government - bad government. Ang solution hindi lalayo sa problema. It lies in the face of the problem itself. Government ang solution, good government," dagdag nito.
*********
0 comments:
Post a Comment