Transport Groups sa Calabarzon, Suportado ang Kandidatura ni Ping
Oktubre 26, 2021 - Sinuportahan ng transport groups sa Calabarzon ang kandidatura ni Senador Ping Lacson sa pagka-Pangulo kasunod ng kanilang pagpupulong sa Lipa City, Batangas nitong Martes.
Si Lacson, na tumatakbo sa ilalim ng Partido Reporma, ay nangako na tutulungan ang transport groups na tugunan ang kanilang mga isyu lalo na sa kalagitnaan ng pandemya.
"I had a no-holds-barred dialogue with leaders and members of Fejodap & TODA in Lipa City this morning. Issues affecting the transport industry are more complex than just dealing with the pandemic. Resolving the issues they raised are being addressed. They will hear from me soon," ani Lacson sa kanyang Twitter post.
Buong pagmamalaki ni Lacson na pinalaki at napag-aral sila ng kanilang ama na isang jeepney driver.
Kasama sa naturang konsultasyon ang kandidato sa pagka-alkalde ng Lipa City na si Retired Gen. Nestor Sanares at kandidato sa pagka-bise alkalde na si Camille Lopez, na parehong nagpahayag ng kanilang suporta kay Lacson.
Para sa presidente ng People's Will na si Aldabest Arnaiz, di na nila kailangang mag-organisa ng isang caravan para kay Lacson dahilan ng kawalan nila ng mga sariling sasakyan. Sa halip, magmamartsa sila bilang pagpapahayag ng suporta kay Lacson.
“Hindi po kami magka-caravan dahil wala kaming mga sasakyan, Pero kaya po naming magmamartsa," ani Arnaiz.
“Ang tawag po namin sa kanya ay Mr.Clean— ang nagiisang hindi tumanggap ng pork barrel. Hindi lang po Mr. Clean, Mr. Action Man pa!" dagdag nito.
Aniya, maraming pinataob na sindikato si Lacson noong pinamunuan niya ang Philippine National Police chief mula 1999 hanggang 2001.
“Ang pondo ng bayan ay ibabalik sa mga tao sa pamamagitan ng serbisyo publiko," sabi ni Arnaiz.
Kabilang sa mga isyu na pinarating ng transport groups ang epekto ng modernisasyon at ang programa ng Department of Transportation na "Libreng Sakay" sa kanilang hanapbuhay.
"Hindi po namin kailangan ng perang ipinamimigay, kailangan po namin na magtagal ang aming hanapbuhay," ani Solano Roxas, Fejodap president for Calabarzon.
Binigyang diin naman ni Lacson na kinuwestyon niya at ng mga kasama nyang senador ang kakayahan ng mga transport groups na saluhin ang mataas na gastos sa pagmomodernisa ng mga jeepney.
"Napakamahal ng jeep ang pagpapalitin ang jeepney. Hindi namin inaprubahan sa Senado. Sabi namin kailangan pag-aralang masusi kasi di kakayanin ng driver. At anong gagawin sa jeep na namamasada pa? Hindi na-resolve ang issue na yan dahil ang napakarami naming tanong sa DOTR hindi nasasagot. Maraming nadisplace lalo ngayong pandemya," ani Lacson.
"Tahasan kong sasabihin na alam ko ang nararamdaman niyo dahil tatay ko mismo ang namamasada," dagdag ng senador.
*********
0 comments:
Post a Comment