Tuesday, October 26, 2021

Ping, Nanawagan na Siguruhing Makakarating sa PUV Drivers ang Ayuda ng Gobyerno


Oktubre 26, 2021 - Paano masisiguro ng gobyerno na ang P1 bilyong ayuda para sa public utility vehicle (PUV) drivers na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng langis ay makakarating sa kinauukulan kung hindi updated ang listahan?


Ito ang tanong ni Senador Ping Lacson nitong Martes, kasabay ng kanyang pagsusulong ng pamamaraan na tiyak makakaabot ang tulong sa mga drayber at iba pang manggagawa na nawalan ng kabuhayan dahil sa pandemya.


"Ang latest dito, maglalabas sila ng P1 bilyon pero sabi ng pangulo ninyo, saan mapupunta na naman? Galing sa national, ibababa sa local, dadaan sa ahensya, iva-validate ng kung anu-anong ahensya, hindi nakakarating sa dapat puntahan," giit ni Lacson sa isang pagpupulong sa Lipa City, Batangas kasama ang mga lider at miyembro ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap) and Tricycle Operators and Drivers Association (TODA).


"Ito ang dapat tugunan kasi sa pandemya kung hindi data-driven ang ating gagamitin para sa pagtulong walang mangyayari kasi kung saan-saan mapupunta yan," dagdag ni Lacson.


Ayon sa senador at kandidato sa pagka-Pangulo ng Partido Reporma, marami sa mga nangangailangan ng ayuda ang hindi nakatanggap ng cash aid sa ilalim ng Bayanigan 1 dahil luma na ang mga record ng gobyerno at noong 2015 pa ito huling na-update.


Pagsisiwalat ni Lacson, na anak ng isang jeepney driver, napag-alaman nila sa isang oversight review na isang porsyento lamang ng P5.58 bilyon na ayuda para sa PUV drivers galing sa Bayanihan 2 ang nakarating sa mga benepisyaryo niyo. "Hindi ba nagmamalimos ang driver dahil nawalan ng trabaho?" tanong ni Lacson.


Samantala, panukala rin ni Lacson na kunin din ang serbisyo ng mga jeepney driver sa programa ng gobyerno na "Libreng Sakay."


"Bakit hindi gamitin ang Libreng Sakay sa jeep na isa-subsidize ng gobyerno sa halip na ibigay libre sakay sa bus?" aniya.


Naging bukas ang naturang pagpupulong sa lahat ng mga tanong at isyu na kinakaharap ng sektor ng transportasyon. "Narito ako para makinig kesa magsalita," sabi ni Lacson.


Sa kanyang Twitter account, binanggit ni Lacson na ang mga isyu sa industriya ng transportasyon ay mas komplikado at malalim, at hindi lamang nakatuon sa pag-rekober nito sa pandemya.


"I had a no-holds-barred dialogue with leaders and members of Fejodap & TODA in Lipa City this morning. Issues affecting the transport industry are more complex than just dealing with the pandemic. Resolving the issues they raised are being addressed. They will hear from me soon," saad ni Lacson sa kanyang Twitter account.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post