Sunday, October 24, 2021

 Lacson: Tama na ang Lockdowns


Ipinangako ni Partido Reporma Presidential bet, Senador Panfilo “Ping” Lacson na tatapusin na ang paulit-ulit na lockdowns sa Pilipinas kapag siya ang naging Pangulo sa 2022. 


“Sa nakikita ko, kailangan may balanse sa pagbubukas ng negosyo sa pamamagitan ng pagtanggal ng lockdowns,” sabi ni Lacson sa pangalawang bahagi ng Online Kumustahan ng tambalang Lacson-Sotto sa Antipolo. 


Pero ayon kay Lacson, hindi dapat gawin ng basta-basta ang pagtitigil ng lockdown.  Bumuo na sina Lacson at Sotto ng mga grupo ng eksperto na magpaplano kung paano ito mabilis at maayos na maipatupad.


“Kailangan data-driven, science-based. Pero kailangan talaga buksan na ang ekonomiya kasi baka hindi na tayo tumagal. Ito na ang pinakamalaking tulong na maibibigay natin sa bawat pamilyang Pilipino na nawalan ng ikinabubuhay sa ilalim ng pandemya” ani Lacson.


Pinakaimportanteng hakbaang ang pagpapabilis ng rollout ng bakuna, na magagawa naman sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor. Dagdag ni Lacson, isa sa mga nagpapagal ng bakunahan sa bansa ay ang pag-ipit ng nasyonal na gobyerno sa supply ng bakuna. 


“Ang daming pahirap. Ang isang solusyon ay less government intervention, ‘wag tayong mag over-regulate.” Diin ni Lacson.


Nauna nang sinabi ni Lacson na bukod sa paulit-ulit na lockdowns, ang nagpapalala sa COVID-response ng Pilipinas ay korapsyon sa Covid response. 


*********

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post