Lacson-Sotto, Binigyang Prayoridad ang Safety Standards sa 'Online Kumustahan'
Oktubre 17, 2021 - Personal na pakikipaugnayan sa mga tagasuporta habang mahigpit na sinusunod ang health protocols sa gitna ng pandemya.
Nagawa ito pareho nina Senador Ping Lacson at Senate President Tito Sotto nang kanilang inilunsad ang "Online Kumustahan" kasama ang mga residente ng Antipolo, Rizal.
"What the Lacson-Sotto tandem wanted is to continue touching base with constituents, to get a feel of their problems and concerns and to answer questions they may have, but without putting anyone's health at risk," sabi ng campaign spokesperson ni Lacson na si Ashley Acedillo.
"And based on the initial feedback we got, it was a rousing success!" ani Acedillo.
Pagbabahagi ni Acedillo, may mga naka-schedule pa na ibang Online Kumustahan sa iba't ibang bahagi ng bansa sa mga susunod na linggo.
"The Lacson-Sotto tandem will continue to draw ideas from ordinary Filipinos in crafting their roadmap after June 2022. The roadmap is a work in progress, and Online Kumustahan activities like this would be the way to go," sabi ni Acedillo.
Kasama sa Online Kumustahan ang residente ng walong barangay sa Antipolo City - Bagong Nayon, Beverly Hills, Dela Paz, Mambugan, Mayamot, Muntingdilaw, San Isidro at Santa Cruz - sa pamamagitan ng Zoom conference nitong Sabado ng hapon. Ito naman ay nai-livestream sa Facebook page ni Lacson.
Iginiit ni Lacson ang halaga ng leadership by example, na itataguyod nila ni Sotto kung manalo sila sa darating na eleksyon.
Ani Lacson, isusulong niya ang reporma sa badyet para tiyaking may pondo ang mga development projects sa lokal na pamahalaan.
Si Sotto naman ay nangako ng komprehensibo at "holistic" na anti-drug war na magpapahalaga hindi lang sa pagpapatupad ng batas kundi pati na rin sa awareness at abuse prevention.
Pareho ring iginiit ni Lacson at Sotto ang halaga ng pagbabalik ng tiwala sa pamahalaan.
*********
0 comments:
Post a Comment