Kung talagang nagnakaw ang mga Marcos, bakit wala pa ring nakukulong sa kanila?
MANILA, PHILIPPINES
Magaling ang modus nila sa pagtago ng pera, at naging masalimuot din ang naging estratehiya ng gobyerno sa pagsasampa ng mga kaso
Kung totoong nagnakaw sa kaban ng bayan ang mga Marcos – katunayan, nabawi na ng gobyerno ng Filipinas ang nasa P174 bilyon, at may nakabinbin pang mga kasong may halagang P125 bilyon – bakit walang nakakulong sa pamilya ng yumaong diktador?
"A lot of cases have been dismissed and a lot of cases have been languishing in courts for the past 30, 35 years. How many Aquinos have we had for president? Two. If they (Marcoses) are really guilty, they (courts) had all the opportunity in the world. Why don't they convict them?" ani Vic Rodriguez, abogado at tagapagsalita ng presidential aspirant na si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., sa panayam niya sa Headstart sa ANC noong Huwebes, October 7.
(Marami nang kaso ang ibinasura, at marami na rin ang hindi na umusad sa mga korte sa nakalipas na tatlumpu o tatlumpu't limang taon. Ilang Aquino na ang naging presidente? Dalawa. Lahat na ng pagkakataon sa mundo ay nasa kanila – bakit hindi nila mapatunayan ang sala ng mga Marcos?)
Dalawang beses nang nahatulan si Imelda Marcos, ang biyuda ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos. Pinawalang-sala siya ng Korte Suprema sa isang kaso noong 1998, habang inaapela niya rin sa kataas-taasang hukuman ang pinakabagong hatol sa kanya.
Para kay Ruben Carranza, dating commissioner ng Presidential Commission on Good Government (PCGG), tatlo ang naghalo-halo nang dahilan kaya naging mahirap ang pagpapatunay ng sala ng mga Marcos:
Magaling ang modus ng pagtago nila ng pera sa ibang bansa.
Naging masalimuot ang estratehiya ng gobyerno.
May nangyari ring korupsiyon sa hudikatura.
"That's been part of the problem, when you have a strategy that separates civil case from criminal cases, and operate separately, controlled by prosecutors who, at the very least, don't talk to each other, or at most, reached by the tentacles of the Marcos family, then you do have a problem enforcing accountability," ani Carranza sa panayam sa Law of Duterte Land podcast ng Rappler.
(Bahagi 'yan ng problema kapag ang estratehiya mo ay paghiwalayin ang mga sibil at kriminal na kaso. Magkahiwalay ang mga galaw 'nyo, at hindi nag-uusap-usap ang mga tagausig, kung hindi man sila maabot ng galamay ng mga Marcos. Magkakaproblema talaga kung paano sila mapananagot.)
Sa dagdag na impormasyon, pakiclick ng Link na nasa baba:
https://www.rappler.com/newsbreak/iq/reasons-why-no-marcos-has-been-in-jail
0 comments:
Post a Comment