Monday, October 25, 2021

Senior Gov't Health Officials, Tumulong Bumuo ng Health Agenda ni Ping
Please Refer to: Ashley Acedillo, Party Spokesman
Oktubre 24, 2021 - Mas komprehensibong health agenda ang isusulong ni Senador Ping Lacson matapos ipresenta sa kanya nina dating Health Secretary Esperanza Cabral, dating Food and Drug Administration Director General Dr. Kenneth Hartigan-Go at Eye Bank Foundation president Dr. Minguita Padilla ang kanilang panukalang national health agenda.

Pormal na tinanggap ito ni Lacson nang ipinresenta nila ito sa kanyang policy team noong unang linggo ng Oktubre.

Ang kanilang panukala na "Health Agenda 2022 and Beyond," ay produkto ng pinagsama-samang karanasan nina Cabral, Hartigan-Go, at Padilla sa sektor ng kalusugan at pagtatrabaho sa gobyerno. Hinanda ito bilang gabay sa mga interesadong presidential candidates sa kanilang pagbuo ng polisiyang pang-kalusugan.

Para kay Padilla na kasama sa senatorial slate ng Partido Reporma na pinamumunuan ni Lacson, ang usapang kalusugan ay hindi dapat napupulitika.

Si Padilla at ang dalawa pang nag-akda ng naturang agenda ay umaasa na ang susunod na magiging Pangulo ay magkakaroon ng mas maayos na polisiya para sa kalusugan ng mamamayan.

Kasama rin sa kanilang grupo ang mga nakaraan at kasalukuyang health officials at miyembro ng academe.

Siniguro naman ni Lacson na masusi nilang pag-aaralan ang health agenda bilang gabay sa mga polisiya at programa ng gobyerno, kabilang na ang mas epektibong pag responde ng bansa sa Covid-19 at pangmatagalang plano para maisaayos ang sitwasyon ng healthcare sa Pilipinas simula 2022 at sa mga susunod pang taon.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post