Ping, Isiniwalat ang Pagbabalik ng Kotong sa Kabila ng Pandemya
Oktubre 16, 2021 - Pera noon, paninda ngayon: Sa ganitong paraan bumalik ang kotong sa kabila ng pandemya kung saan nagbibigay pa ng listahan ang mga tiwaling pulis sa mga nagtitinda sa Divisoria kung ano ang mga bagay na gusto nilang tirahin.
Ito ang isinawalat ni Senador Ping Lacson nitong Sabado, kung saan ibinahagi niya ang laman kanyang pakikipagusap sa mga tindero at tindera sa Divisoria.
"Ngayon daw iba na. Ang pulis, for some reason, may listahan na bawa’t pondohan sa lugar na pinagtitindahan. Listahan na binibigay. Ito dapat inyong ibigay, gulay, prutas, paninda. Balik na naman tayo. Day-to-day corruption," ani Lacson, na bumuwag sa kultura ng kotong sa Philippine National Police noong pinamunuan niya ito mula 1999 to 2001, sa kanyang panayam sa DZRH.
Aniya, hindi sapat ang pagpaparusa sa mga tiwaling pulis - dapat samahan ito ng matinong uri ng pamumuno kung saan siya nakilala noong kanyang nireporma ang kapulisan.
Ibinahagi na Lacson na noong pinuno siya ng PNP, may nakagawian noon ang mga nagsusuplay ng gulay mula La Trinidad, Benguet patungo sa Divisioria na magbigay ng P1,000 sa mga kotong cops. Noong sinibak ni Lacson ang mga pulis na sangkot dito, ang laki ng natipid ng mga nagtitinda sa Divisoria dahil di na nila kailangan na magpatong ng malaki sa presyo ng mga gulay at prutas para may maipon na pang-abot sa mga nangongotong na pulis.
"Subliminal na ama ko naging jeepney driver pero hindi yan ang top reason ko to go after kotong," ani Lacson.
Sa kabilang banda, isa rin sa mga lubhang naaapektuhan ng korapsyon ay ang mga guro dahil sa hindi maayos na pagpapatupad ng subsidiya ng gobyerno para sa kanila.
Dagdag ng presidential aspirant, kailangang baguhin ang microfinancing program para sa mga guro para hindi na sila mangutang nang malaki sa iba o mag-sangla ng kanilang ATM cards.
Para kay Lacson, ang araw araw na paggawa ng korapsyon na sumasalamin sa pagbabalik ng kotong ay isang dahilan kung bakit hindi dapat magbulag-bulagan ang gobyerno sa talamak na korapsyon.
Kaya naman ang tambalan nila ni Senate President Tito Sotto ay napag-desisyunang mamuno nang marangal at tapat sakaling palarin silang manalo sa eleksyon sa Mayo 2022.
"This we commit ourselves, we reached this point in our lives. The only selfish motive remaining in our bones is to leave a good legacy," sabi ni Lacson.
*********
0 comments:
Post a Comment