Ping: Mayor Bistek, Nararapat na Mahalal Bilang Senador
Oktubre 24, 2021 - Nararapat na mabigyan ng pagkakataon na magsilbi sa Senado si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.
Ito ang binigyang diin ni Senador Ping Lacson nitong Sabado matapos niyang marinig ang pahayag ni Bautista na kailangang mas palakasin ang mga lokal na pamahalaan para matugunan ang mga sakuna at iba pang problema sa lokal na lebel.
"Mayor Herbert 'Bistek' Bautista was a revelation in our regular 'Online Kumustahan' with the great people of Antipolo City this afternoon. Hearing him speak for the first time is one great opportunity for me to know the man better. He deserves to be in the Senate," ani Lacson sa kanyang Twitter post.
Kasama si Bautista sa senatorial slate ng Lacson-Sotto tandem na sumali sa "Online Kumustahan" sa Antipolo City. Tumatakbo siya sa ilalim ng Nationalist People's Coalition na pinamumunuan ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III. Kasama rin sa virtual rally sina Dr. Minguita Padilla at Paolo Capino sa ilalim ng Partido Reporma, kung saan chairman naman si Lacson.
Sa nangyaring "Online Kumustahan," sinabi ni Bautista na ang adbokasiya ni Lacson na palakasin ang LGUs ay mas naging importante lalo na sa panahon ngayon ng mga sakuna at pandemya.
"Nasa isip niya yung kagalingan ng mga local governments. Alam na alam niya na ang mga lokal na pamahalaan ay may mga pangangailangan. Alam na alam niya na ang mga lokal na pamahalaan ay mga kagalingan naman. Yung mga tao diyan, yung mga nasa departments, magagaling yan, mga equipped yan. Yung mga mayor, vice mayor, konsehal, barangay officials ay may mga kanya-kanyang kakayahan nguni't may kakulangan sa pondo," pahayag ni Bautista sa mga residente ng ikalawang distrito ng Antipolo City.
Nagtapos si Bautista sa University of the Philippines- NCPAG at National Defense College of the Philippines. Para sa kanya, ang kanyang karanasan bilang dating mayor ang naghasa sa kanyang kakayahan sa pagpaplano bilang tugon sa mga posibleng sakuna at suliranin ng kanyang lugar.
"Sa pagsasaayos ng pondo o ang tinatawag na ni President Lacson na budget reforms ay bababa po yan hanggang sa barangay para yung pagtugon sa mga pangangailangan po talaga ng mga barangay, kung ano man yung nagiging suliranin nila sa kanilang mga lugar," sabi ni Bautista.
*********
0 comments:
Post a Comment