Tuesday, October 19, 2021

 Ping, Sinita ang Di Pagsunod ng DPWH sa Paglilipat ng Pondo at Tungkulin sa LGUs


Oktubre 19, 2021 - Hanggang papel lang ang umano'y pagsunod ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa direktiba ng Korte Suprema at MalacaƱang na i-devolve o ilipat ang ilang tungkulin at pondo nito sa mga lokal na unit ng pamahalaan sa 2022, ayon kay Senador Ping Lacson nitong Martes.


Base sa panukalang badyet ng DPWH na nagkakahalaga ng P686.1 bilyon para sa 2022, ang central office pa rin nito ang hahawak sa mga pondo na nakalaan sa items at mga proyekto na dapat na ilipat na at ipatupad mismo ng mga LGU.


"While 89 percent ang nawala sa Local Program, nag-increase ang Convergence and Special Support Program by 232 percent," pahayag ni Lacson sa pagdinig ng badyet ng DPWH sa Senado.


"They are compliant on paper but in reality they are not complying. That’s my point," dagdag niya.


Para sa senador, sa unang tingin ay mukhang sinusunod ng DPWH ang Mandanas Ruling ng Korte Supreme dahil sa pagbabawas nito ng 88.9 porsyento sa kanilang budget para sa mga local programs, sa palagay na ang mga programa at pondo ay hahawakan na ng LGUs.


Pinunto rin ni Lacson na ang 2021 budget item nito na "Various Infrastructure Including Local Projects" (VILPs) ay di na kasama sa DPWH FY 2022 budget bilang pagsunod sa mandato na ilipat ang kanilang mga tungkulin at pondo sa LGUs. Ngunit sa kabila nito, ang mga katulad na proyekto ay nakalagay sa ilalim ng programang "Convergence and Special Support Program," na may 232-porsyentong pagtaas.


"Different nomenclature but exactly the same program... Nothing is being devolved here," ani Lacson, kasabay na kanyang pagsiwalat na ang naging kabawasan lang sa budget ng ahensya ay 5.8 porsyento lamang.


Kinuwestyon naman ni Lacson ang mga opisyal ng DPWH hinggil sa tungkulin ng LGUs sa pagpaplano ng mga programa na nakapailalim sa operations budget ng DPWH.


"What participation did they have in the preparation of the 2022 budget under these Programs, Activities and Projects?" tanong ni Lacson.


Samantala, binigyang diin naman ni Lacson na ang Mandanas Ruling ng Korte Suprema ay isang oportunidad para mabigyang kapasidad ang mga LGU.


"The LGUs should actively participate concerning local PAPs. It is now the time to activate the local development councils because alam natin over the past years masyadong centrally managed ang infrastructure projects ng national government," diin ni Lacson.


"Very little if at all ang participation ng LGUs. This is an opportune time to be compliant with the SC ruling and EO 138 issued by President Duterte," dagdag ng senador.


*********

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post