Saturday, October 30, 2021

 Bakit Di Malilimutan ni Ping ang Lalawigan ng Pampanga

Oktubre 30, 2021 (MEXICO, Pampanga) - Para kay Senador Ping Lacson, laging tatatak sa isip niya ang probinsya ng Pampanga hindi lang dahil sa Parol at masasarap na pagkain dito, kundi pati na rin sa isa sa pinakamahahalagang tagumpay niya bilang tagapagpatupad ng batas.


Ayon kay Lacson, na personal na pumunta sa Pampanga para sa Kumustahan rally nila ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III, nag-Pasko siya at mga tauhan niya sa lalawigang ito noong 1992 at New Year's Day 1993 habang tinutugis ang isang kidnap-for-ransom gang.


"Hindi ko makalimutan, noong 1992 dito kami nagpasko sa San Fernando kasi dito ang area of operation, nagkaroon kami ng technical surveillance," ani Lacson.


Puntirya nila noon si Alfredo "Joey" de Leon, na lider ng naturang kidnap-for-ransom gang. Ang Red Scorpion Group ni de Leon ay nasa likod ng maraming insidente ng kidnap-for-ransom, na nangyayari halos tatlo hanggang apat na beses kada linggo noong administrasyong Ramos.


Bagong pinuno pa lamang si Lacson noon ng Presidential Anti-Crime Commission Task Force Habagat, na naatasang sugpuin ang kidnapping at iba pang karumal-dumal na krimen.


Naalala pa noon ni Lacson na may panahon na biskwit at sardinas lang ang kanilang handa noong Kapaskuhan na iyon.


"Our then chairman, then Vice President Joseph Estrada, gave us until yearend 1992 to stop the gang. We got the job done in February 1993 when de Leon was killed in an encounter at the boundary of Pampanga and Bulacan," kwento ni Lacson.


"Hindi ko makalimutan kung ako napunta sa Pampanga, yan ang aking iniikot," dagdag pa ng senador.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post