Paano Nasugpo Ni Lacson Ang Talamak na Kidnapping sa Cebu?
Oktubre 17, 2021 - Bago pa man siya nakilalang "pork hunter" ng Senado, kinatatakutan na kalaban si Panfilo "Ping" Lacson ng mga kidnap-for-ransom gangs - hindi lamang sa Metro Manila, kundi pati na rin sa Cebu.
Inaalala ni campaign spokesperson Ashley Acedillo kung paano namangha ang mga Cebuano sa pamamahala ni Lacson sa Metropolitan District Command ng Philippine Constabulary sa Cebu noong 1980s.
"Maybe the newer generation of Cebuanos were too young to remember that kidnapping was once a dreaded scourge in Cebu. It was only a certain Police Colonel Ping Lacson who turned the tables and became the scourge of the kidnappers," ani Acedillo na lumaki sa Cebu.
Aniya, mabilis na nakuha ni Lacson ang respeto ng mga Cebuano matapos niyang sagipin ang isang siyam na taong gulang na bata mula sa isang prominenteng pamilya sa Cebu mula sa kanyang mga kidnapper.
Tinanggihan ni Lacson ang alok na gantimpala mula sa pamilya ng bata dahil ginagawa lang aniya nila ang kanilang trabaho.
"Ping showed integrity not only when he refused the reward - he made sure the ransom money that was recovered was returned intact," sabi ni Acedillo.
Para kay Acedillo, ang mga alaala na ito, pati ang mga istorya kung saan tinanggihan ni Lacson ang mga suhol sa kanya bilang isang opisyal ng gobyerno, ay nagpapakita lamang sa katauhan ni Lacson na kahit kailan ay di nabahiran ng korapsyon.
Si Lacson, na nakilala sa kanyang pagbuwag sa mga kidnap-for-ransom gangs bilang pinuno ng Presidential Anti-Crime Commission Task Force Habagat noong 1990s, ay umani rin ng suporta sa mga Cebuano na tinuring na siyang "adopted son."
"He never took a bribe as a public official. He never stole public funds. He never used his pork barrel as a legislator. He never abused power nor his position," ani Acedillo.
"So the question is, if corruption were the biggest problem of the country today, who among the presidential candidates would the corrupt people in government and Philippine society fear the most? I guess the answer is obvious," dagdag pa ni Acedillo.
*********
0 comments:
Post a Comment