Pagiging Maliksi at Praktikal ang Susi sa Foreign Policy ng Bansa Laban sa China, Hindi Sound Bites - Lacson Spox
Oktubre 15, 2021 - “Next to the long-standing relationship with the United States, the Philippines’ most important foreign relationship will be that of China,” ayon kay Ashley Acedillo, tagapagsalita ng kandidato sa pagka-Presidente na si Senador Panfilo “Ping” Lacson.
Katulad ng mga nakaraang pahayag ni Lacson sa isyu, naniniwala si Acedillo na kailangang maging praktikal at maliksi ang ating bansa sa pakikitungo sa China lalo na sa usaping seguridad at teritoryo.
Ang pagiging maliksi ay pagiging aktibo sa paghahanap ng oportunidad na bantayan ang mga kaganapan sa mga lugar na may hidwaan tayo sa China at pagsasaayos sa sitwasyon sa ating maritime domains para malagay sa mas maayos na posisyon ang ating bansa sa oras na magkaroon ng mga diskusyon sa China. Kasama rito ang pagiging bukas sa anumang polisiya at hindi lamang puro sound bites na maaaring mag limita sa mga ilalatag na opsyon o mas paguluhin pa ang kasalukuyang sitwasyon.
Ang pagiging praktikal ay kinakailangan ng malalim na pag-intindi sa kung ano ang China ngayon at kung saan nito pinu-posisyon ang sarili. Kasama na rin dito ang pag-alam sa kung ano ang ating kapabilidad at kung paano natin masusulong ang interes ng bayan base sa kung ano ang meron tayo. Isa sa mga praktikal na paraan ay ang pagkakaroon ng alyansa ng Pilipinas para magkaroon ng balanse laban sa kakayahang pang-ekonomiya at lakas ng military ng China.
“Alliances do not necessarily mean entanglements, where our country’s foreign policy and national interest becomes subordinate to those of other countries. History has shown that fruitful and solid partnerships can be borne out of an alignment of the allied countries’ values and national interests. In the case of the Philippines and its current and potential alliance partners, these are the values of democratic governance, the rule of law, parity, and fairness,” ani Acedillo.
Dagdag pa ni Acedillo, magiging mapanganib kung iisipin natin na ang ating foreign relations sa China ay maaaring ihiwalay - kung saan ang pakikipag-ugnayan natin sa kanila sa aspeto ng komersyo, pakikipagkalakalan, kultura at ibang bagay na walang kinalaman sa pulitika at seguridad ay magiging hiwalay na sa usapin natin tungkol sa hidwaan sa West Philippine Sea.
“Remember that China is a country with a 3,000-year history and culture, with a very vivid memory of having a central place in the affairs of the world - hence its nickname ‘The Middle Kingdom’. The next President of the country must grapple with this reality, as well as the reality that China is waking up again to its status as a hegemonic giant.”
Naniniwala si Acedillo na dagdag pa sa hamon na ito ay ang pagiging “President-for-life” ni Xi Jinping, isa sa mga pinakamakapangyarihang lider ng China mula noong mamuno si Mao Zedong bilang lider ng Chinese Communist Party at pinuno ng bansa. “The next President of the Philippines must be able to stand ‘toe-to-toe’ to someone like President Xi, not just in terms of experience, but also in terms of knowledge and instincts required of the job of a Chief Executive.”
“Senator Lacson, as President and Commander-in-Chief, can rely on thirty years of service as a soldier and a policeman (and eventually Police Chief), a stint in the Cabinet, and almost eighteen years as a veteran Senatorc - once called upon to craft the foreign policy of the country, and eventually to deal with China for the next six years,”dagdag pa ni Acedillo.
(Kasalukuyang pinuno si Senador Lacson ng Senate Committee on National Defense and Security).
*********
0 comments:
Post a Comment