Tuesday, November 2, 2021

 Ping: Bigyan ng Laya ang LGUs na Magpatupad ng Sariling Proyekto Alinsunod sa Mandanas Ruling

Nobyembre 2, 2021 - Kaakibat ng mas malaking kita sa buwis ang mas mabigat ding responsibilidad.


Ipinaglaban ni Senador Ping Lacson nitong Martes ang mas malawak na awtonomiya kasama ang sapat na pananagutan para sa lokal na pamahalaan, na inaasahang tatanggap ng mas malaking bahagi ng buwis simula 2022.


Bilang tagapagsulong ng layunin na mas palakasin ang mga LGU sa pagpapatupad ng kani-kanilang proyekto, ibinahagi ni Lacson na ito ang susi sa decentralization na hindi magbibigay ng puwang para sa mga tiwali na pagsamantalahan ang kaban.


"Sa tingin ko mas makakabuti na bigyan ng laya ang LGUs. Kaya lang, palakasin natin ang reportorial at accountability. Bigyan sila ng responsibility mag-report kung paano sila nag-implement ng pagbaba ng projects," ani Lacson sa kanyang panayam sa DZRJ.


Simula 2022, ipapatupad na ng bansa ang Mandanas ruling na mandatong taasan ang parte ng lokal na gobyerno mula sa kinikita ng gobyerno galing sa buwis.


Sa ilalim ng desisyon ng Korte Suprema, ang Internal Revenue Allotments (IRAs) ay tataas mula P695.5 bilyon noong 2021 at magiging P959 billion sa 2022 - o tinatayang 37.9 porsyentong pagtaas. Inaasahan na ang ruling na ito ay tuluyang maipapatupad pagdating ng 2024.


Para kay Lacson, kailangang magkaroon ng wastong adjustment sa parte ng gobyerno para masiguro na ang decentralization ay hindi lamang sa aspeto ng paglilipat ng tungkulin kundi pati na rin ng pondo.


"As we speak, the 2022 budget's compliance to the Mandanas ruling is only on paper. While functions have been devolved, the funds are still with the central offices in Metro Manila," saad ni Lacson.


Inihambing ni Lacson, na tumatakbo sa pagka-Presidente sa ilalim ng Partido Reporma, ang ekonomiya ng Pilipinas sa isang pasyenteng nasa Emergency Room ng ospital. Aniya, iniaalay niya at ng kanyang ka-tandem na si Senate President Vicente "Tito" Sotto III ang kanilang sarili para mapaglingkuran pa ang bansa at masolusyonan ang mga suliranin ng bansa.


"Ang ino-offer namin Kakayahan, Katapatan, Katapangan sa pagsagupa ng problema ng bansa," sabi ni Lacson.


Kabilang sa mga programa ng tambalang Lacson-Sotto sakaling palarin sila na mahalal sa 2022 ang mga sumusunod:


* pondohan nang buo ang implementasyon ng Universal Health Care Act para makabigay ng libreng health care sa lahat ng mga Pilipino


* internship programs para sa kabataang Pinoy at emergency employment programs para matulungan ang mga Filipino na nawalan ng kabuhayan dahil sa pandemya


* komprehensibo at targeted na fiscal stimulus packages para sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs), implementasyon ng eviction at foreclosure moratoriums, at pagbibigay ng employee-retention tax credits


* isang "holistic approach" para tuluyang masugpo ang problema sa ilegal na droga; kabilang dito ang drug abuse prevention at rehabilitasyon sa halip na law enforcement lamang


Dagdag pa ni Lacson, nais niyang mag-iwan ng legasiya kung saan maibabalik ng mga Filipino ang kanilang dignidad at respeto sa sarili at kalaunan ay maibalik ang tiwala sa gobyerno.


"Pinaka-important ang tiwala ng mamamayan sa ating pamahalaan," ani Lacson.


*********

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post