Tuesday, November 30, 2021

ANO ANG GAGAWIN NI PING LACSON?
NR.2-FREE INTERNET


 

Ping, Isinapubliko ang Sariling Amendments sa 2022 Budget na Nakalaan sa Programa sa Edukasyon, Connectivity, Defense

Disyembre 1, 2021 - Sa ngalan ng transparency, isinapubliko ni Senador Ping Lacson ang kanyang panukalang institutional amendments sa 2022 budget bill kung saan isinulong niya ang pagtanggal sa mga kwestyonableng appropriations at pagsiguro na may sapat na pondo para sa priority projects, aktibidad at proyekto - tulad ng ginagawa niya taun-taon.


Isinulong ni Lacson, na mahigpit na nagbabantay sa badyet, ang pagbabawas ng pondo sa mga items tulad ng farm-to-market roads at right-of-way payments para pondohan ang mga programang pang-edukasyon, connectivity, anti-cybercrime at pangangailangan sa para sa susunod na taon.


Kabilang sa kanyang proposed amendments ay ang P300 milyon para dagdagan ang pasilidad sa Pag-asa island sa West Philippine Sea na binisita niya noong Nobyembre 20.


Isa pa sa mga panukalang amendments ni Lacson ang pagdagdag sa "connectivity load" para sa mga guro at DepEd personnel para magbigay ng online lessons sa gitna ng pandemya base sa estimates na 20 GB ang nakokonsumo ng isang guro sa tuloy tuloy na online teaching sa loob ng 20 araw at 4 na oras kada araw.


"To pursue the meaningful benefits of 'connectivity load' with significant savings for the government, an increase in the appropriations for the connectivity load for 1 million DepEd personnel is hereby proposed. To this end, increase the appropriations of the MOOE of DepEd by P1 billion or from P2.30 billion to P3.30 billion," ani Lacson.


Isinulong din ni Lacson ang isang special provision nagbibigay kapangyarihan sa LGUs na mag-contract ng serbisyo ng transport cooperatives. Ito ang magbibigay kalayaan sa LGUs na mag co-implement, mangolekta ng pamasahe at mag co-finance ng service contracting.


"This would lighten the load of the Department of Transportation and speed up the implementation of the PUV Modernization Program as the transport sectors may properly be represented by their respective LGUs. This would also ensure that the drivers are given fair wage and humane working conditions," paliwanag ni Lacson.


Sa listahan ng institutional amendments na isinumite ng Senate Finance Committee sa pamumuno ni Sen. Juan Edgardo Angara, pinanukala ni Lacson proposed ang pagbawas sa mga sumusunod na appropriations:


* Department of Agriculture:

- P1.97-billion kabawasan sa proposed appropriations para sa farm-to-market roads, mula P6.95 billion sa ipinasang House version ng budget base sa nakasaad sa National Expenditure Program. Ayon kay Lacson, sa ilalim ng desisyon ng Korte Suprema tungkol sa Mandanas ruling at Executive Order 138, ang implementasyon ng farm-to-market program ay dapat na ilipat na sa LGUs. Wala ring naganap na konsultasyon na ginawa ang DA bago sila nagpanukala ng pagtaas sa badyet.


* Department of Environment and Natural Resources:

- P2-billion kaltas para sa National Greening Program. Mula P3.68 billion ay naging P1.68 billion na lamang ito dahil sa COA performance audit noong 2019


* Department of Public Works and Highways:

- P1-billion kaltas mula P3.01 billion sa kanilang MOOE para sa routine maintenance ng national roads;

- P200-million kaltas mula P710 million para sa routine maintenance ng public buildings;

- P500-million kaltas mula sa P1.61-billion allocation para sa flood control at drainage systems;

- P1.36-billion kaltas mula sa P4.56-billion allocation para sa central office na nakalaan sa preliminary engineering/detailed engineering ng mga proyekto ng DPWH; P300-million kaltas mula P800 million para sa feasibility study kabilang na ang business case study para sa mga potensyal na Public-Private Partnership projects;

- P600-million kaltas mula sa P1.6-billion allocation para sa parcellary surveys, land appraisal at titling of public infrastructures (kabilang na ang buwis);

- P500-million kaltas mula sa right-of-way payments para sa mga ongoing at mga proyekto sa hinaharap;

- P100-million kaltas mula sa EDSA rehabilitation and improvement;

- P500-million kaltas na lump sums; at

- P44-million kaltas mula sa regional allocation para sa structural improvement ng public buildings at konstruksyon ng evacuation centers, na may kabuuang halaga na P704 million


Sa kabilang banda, nag-panukala rin si Lacson ng pagdagdag sa badyet ng mga sumusunod na appropriations:


* Department of Education:

- P500-million dagdag sa Quick Response Fund na naging P2.5 billion. Mapupunan nito ang gastos para sa repair at reconstruction costs ng mahigit 8,706 classrooms, hindi pa kasama rito ang unfunded requirements para ma-cover ang damages ng Super Typhoon Rolly; at para pang-pondo sa repair at reconstruction ng damages sa mga pampublikong classrooms noong mga nakaraang taon;

- P35-million dagdag sa Indigenous People's Education Program na naging P86.47 million;

- P425-million dagdag sa Flexible Learning Options na naging P15.64 billion;

- P90-million dagdag sa Special Education Program na naging P451.20 million;

- P550-million dagdag sa Inclusive Education Program na naging P16.59 billion;

- P22.145-million dagdag sa Child Protection Program na naging P26.72 million;

- P1-billion dagdag sa Last Mile Schools Program na naging P2.5 billion;

- P38.5-million appropriation para sa UP Diliman Institute of Marine Science Institute, kabilang na ang two-story dorm building na nagkakahalaga ng P10 million, at pagbili ng marine scientific at oceanographic equipment na nagkakahalaga ng P28.50 million; at

- pagpondo para sa mga programa ng UPLB National Institute of Molecular Biology and Biotechnology, para maiangat ang research and development kasama rito ang P120.5 million para sa konstruksyon ng microbial bank; P91 million para sa pilot plant at screenhouses para sa biofertilizers, biostimulants, at biopesticides; at P163 million para sa procurement ng lab equipment.


* Department of Information and Communications Technology:

- P1-billion dagdag para sa National Broadband Program, mula P4.5 billion naging P5.50 billion


* Philippine National Police:

- P300 million para sa PNP One Network;

- P100 million para sa operations and intelligence capabilities ng Anti-Kidnapping Group; at

- P20 million para sa implementasyon ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act


* Department of Justice:

- P41.84-million dagdag para sa Integrated Ballistic Identification System ng National Bureau of Investigation, para sa epektibong pag-iimbestiga ng cyber-related offenses


* Department of Labor and Employment:

- P178.5-million dagdag para sa Child Welfare Prevention and Elimination Program na naging P1.66 billion


* Department of National Defense:

- karagdagang P15.11 million para pondohan ang National Defense College of the Philippines


* Armed Forces of the Philippines:

- P444.32 million para aa Philippine Navy, kabilang na P254.24 million para sa enhancement ng detachments sa Kalayaan; P66 million para sa missile lifting at transport equipment, P33.31 million para sa karagdagang support sa BRP Conrado Yap PS39; P59.99 million para sa operations at maintenance sustainment ng Scan Eagle Unmanned Aerial System; at P30.77 million para sa Night Vision Imaging System.

- P38.5-million pondo para sa Pagasa Island, kabilang dito ang P10 million para sa 2-storey dorm building at P28.50 million para sa marine and scientific equipment

- P50.35 million para sa enhancement ng maritime seaboards

- P262 million para sa PVAO kabilang na ang P156 million para sa hospitalization and medical care program ng veterans at P106 million para sa pagpapatayo ng veterans' wards.


* Department of Science and Technology:

- P300-million dagdag para sa badyet ng Philippine Nuclear Research Institute para sa completion ng building na paglalagyan ng cyclotron at hot-cell facilities

- P38.54-million alokasyon para sa National Research Council of the Philippines


* Philippine Coast Guard:

- P322-million dagdag para pondohan ang dry docking at general overhauling and PMS para sa 10 Multi-Role Response Vessels (MRRVs)


* Commission on Higher Education:

- P45.28-million dagdag para sa legal education board, kabilang na ang Digital Adaptation and Readiness (DARE) program, ICT equipment, Legal Education Advancement Program (LEAP).


* Philippine Drug Enforcement Agency:

- P247.49-million dagdag para sa konstruksyon ng PDEA Region 10 office (P45 million), lab equipment (P125 million), upgrading ng PDEA national headquarters laboratory (P12 million), inter-agency committee of Task Force Drug Courier (P5 million), narcotics detection dogs breeding program (P7 million)


* Judiciary:

- P100-million dagdag para sa legal aid subsidy ng Korte Suprema sa Integrated Bar of the Philippines


Sa kabilang banda, sinikap din ni Lacson na ibalik ang appropriations para sa Loan Proceeds ng mga foreign-assisted project, Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT), na kinaltasan ng House version ng budget bill mula P2.97 billion na naging P410.61 million. Ang P2.55 billion na kailangan para ibalik ang naturang appropriations ay maaaring kunin mula sa proposed reduction mula sa farm-to-market roads appropriations ng Department of Agriculture.


*********



 LACSON-SOTTO HEADLINES NGAYON DISYEMBRE 1, 2021








 Sen. Lacson's Sectoral OK with bus operators, via Reporma FB Live: https://www.facebook.com/partidoreporma/videos/984016868817852

(Please Watch and Share)

πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡



DepEd, Inaprubahan ang Integrated Elementary and High School sa Pag-Asa Island sa Kalayaan

Nobyembre 30, 2021 - Nabigyan ng pag-asa para sa isang maayos na buhay ang kabataan ng Pag-asa Island sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea.


Ito ang magandang balita na dala ni Senador Ping Lacson matapos aprubahan ng Department of Education nitong Lunes ang pagkakaroon ng Pag-asa Island Integrated Elementary and High School sa susunod na school year, 2022-2023.


"Thank you, Department of Education for this: Approval of the Pag-asa Integrated Elementary and High School effective next School Year, 2022-2023. Certainly a big step of HOPE for the young people of Kalayaan," ani Lacson sa kanyang Twitter account.


Noong nakaraang linggo, sinikap ni Lacson na isulong ang pagkakaroon ng karagdagang school facilities at mga guro sa Pag-asa Island matapos malaman ang hirap na dinadanas ng mga estudyante sa lugar sa kanyang pagbisita sa isla noong Nov. 20. Ipinaglaban din ni Lacson ang karagdagang benepisyo para sa mga guro dahil sa kasalukuyan, iisa lamang ang elementary school sa lugar at dalawa lamang ang guro sa 34 na estudyante mula sa 54 na pamilya, nang walang nakikitang pagkakataon para makantuntong pa ng high school.


Dahil sa sitwasyon na ito, tila tinanggalan ang mga estudyante ng pagkakataon na makapag-high school pagka graduate nila ng Grade 6.


Ang pinakamalapit na high school ay nasa Puerto Princesa City pa sa Palawan, na umaabot ng mahigit isang araw ang byahe papunta.


Sa kadahilanang ito, isinulong ni Lacson ang pagpapatayo ng high school building o i-integrate ang high school facilities sa kasalukuyang elementary school building at magdagdag pa ng isang multigrade teacher para magturo sa high school.


Sa kabilang banda, ipinaglaban din ni Lacson ang pagkakaroon ng Special Hardship Allowance (SHA) para sa dalawang guro sa Pag-asa Island na maaari aniya na kunin mula sa badyet ng Last Mile Schools program ng DepEd.


Aniya, bagama't hindi pinapayagan sa DepEd circular ang makatanggap ng SHA ang isang guro para sa dalawang kategorya, giit ni Lacson na hindi sapat ang isang hardship allowance kada taon dahil sa dami ng hirap na kanilang nararanasan sa pagtuturo sa isla bunsod ng layo nito at kakulangan sa pasilidad.


Ani Lacson, kwalipikado sa dalawang kategorya ang dalawang guro sa isla dahil nasa isang hardship post sila at multigrade teachers.


Isinusulong ni Lacson ang "Edukasyon Plus" program para matigil na ang kahirapan sa maraming pamilyang Filipino. Sa ilalim ng programa, magbibigay ito ng libreng tuition at monthly allowance na P5,000 sa kasagsagan ng internship ng mga kwalipikadong senior high school students (Grade 11 at Grade 12) na papasok sa government internship program.


*********



 TARA NA TIKTOK CHALLENGE

(Please Watch and Share)

πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡

Join or SHARE with your relative or friends. You can also sponsor a group to help spread the good news.

********


Ibang presidential bet nangamote sa survey! Lacson patok posisyon sa WPS

Napukaw ang atensiyon ng nakakaraming Pinoy sa problemang bumabalot sa mga pag-aari ng Pilipinas na bahagi ng West Philippine Sea (WPS) matapos na dalawin ni Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson ang Pag-asa Island kamakailan lamang.

Ito ay kung ibabatay sa isang survey na idinaos matapos ang pagtuntong ni Lacson sa nabanggit na islang pinapaligiran ng mga barko ng China sa kabila ng katotohanang ito ay sakop pa ng Pilipinas bilang bahagi ng bayan ng Kalayaan na nasa lalawigan ng Palawan.

Sa survey ng The Power of Truth, na isinagawa isang linggo matapos ang pagdalaw ng presidential bet ng Partido Reporma sa isla, nanguna ang tambalan nina Lacson at Senate President Vicente Sotto III matapos madagdagan ang puntos kumpara sa ibang mga tumatakbong presidente at bise presidente sa Halalan 2022.

Nakuha ni Lacson ang 71 porsyentong boto habang si Sotto naman ay nakakuha ng 70 porsyento mula sa 2,000 lumahok sa independent survey na ginawa online.

Sinagot ng mga lumahok sa presidential at vice presidential survey ang tanong na “Sino ang iyong presidential bet para sa 2022 Philippine national election?” Binase ang mga kandidato mula sa listahan ng mga naghain ng certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec).

Natabunan ni Lacson sina Vice President Leni Robredo (12%) at anak ng dating pangulo na si Ferdinand Marcos Jr. (8%) habang nakakuha ng halos magkakapantay na dalawang porsyento ng boto ang iba pang mga kandidato sa pagkapangulo.

Samantala, nananatili pa ring malakas na kandidato bilang bise presidente si Sotto ng Nationalist People’s Coalition (NPC), sa kabila ng pagtakbo ng presidential daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, na may 14 porsyento sa survey.

Bukod kay Duterte, nahigitan din ni Sotto sina Senador Kiko Pangilinan, Dr. Willie Ong, Walden Bello, at si House Deputy Speaker Lito Atienza.

*********



Monday, November 29, 2021

IPing TV: Word Association (Philippine Senators)

SEN PING LACSON

(Please Watch and Share)

πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡


Sunday, November 28, 2021

LANAO DEL SUR BRAVE MOVERS SUPPORT LACSON-SOTTO FOR 2022



 ENRICO CALDERON'S POST

https://www.facebook.com/100000257414003/posts/5014802078538323/?sfnsn=mo

We had a successful four-barangay BRAVE MOVERS Orientation Marathon Meeting today with Rowie Orquita as our main speaker. Tough but we were able to get through. We are now out of gas, literally.



LACSON-SOTTO HEADLINES NGAYON NOBYEMBRE 29, 2021









 Ping Adbokasya Kontra sa Dinastiyang Politikal

(Please Watch and Share)

πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡


 Ely Buendia - Metro | We Need A Leader 2022 (Official)

(Please Watch and Share)

πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡


  Ano Ang We Need A Leader 2022?

(Please Watch and Share)

πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡


LACSON PUSHES 'ALCATRAZ' JAIL FOR HARDENED CRIMINALS





iPing TV Presents SEN PING LACSON 
"Lumapag at Lumibot sa Pag-Asa Island, West Philippine Sea"
(Please Watch and Share)

πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡


THE BEST CHOICE TO LEAD THE COUNTRY PHILIPPINES

 

Sen Ping Lacson On West Philippine Sea's Radio Challenged



Saturday, November 27, 2021

 Edukasyon Plus ni Ping Lacson

(Please Watch and Share)

πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡


 Sen Lacson Live on DWIZ

(Please Watch and Share)

πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡


NR.1-BUDGET REFORM
SEN PING LACSON


Sen. Ping Lacson Disproves 'Intimidation' Claim by Pharmally's Mago

(Please Watch and Share)

πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡


 Ping, Pinabulaanan ang Pahayag ni Mago Hinggil sa 'Intimidation'

Nobyembre 27, 2021 - Kung may "pressure" mang naramdaman ang dating admin officer ng Pharmally Pharmaceuticals Corp. na si Krizle Mago nang humarap siya sa Senado noong Setyembre, ito ay para sabihin ang katotohanan at hindi magsinungaling.


Pinabulaanan ni Senador Ping Lacson nitong Biyernes ang pahayag ni Mago na siya ay na-"intimidate" o tila napilit na sabihing damay ang ibang opisyal ng Pharmally sa pag-uutos na pekein ang expired labels sa mga face shield.


"Na-pressure siyang magsabi ng totoo. Hindi siya na-pressure mag-lie if at all totoong na-pressure siya. She was very calm and sabi ninyo kanina, unaided lahat," ani Lacson matapos kwestyunin si Mago sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa iregularidad sa procurement ng medical supplies para sa pag responde sa pandemya.


Pinapatungkulan dito ni Lacson ang naturang pahayag ni Mago sa Mababang Kapulungan na napwersa siyang magsabi ng ilang pahayag sa pagdalo niya sa Senate hearings.


Giit ni Lacson, binigyan niya ng sapat na oras si Mago na sagutin ang kanyang mga katanungan nang walang pressure.


"I did not even mention the name of Mohit Dargani. In fact I had no idea who gave her instructions to replace the stickers," ani Lacson.


Sa pagdinig nitong Biyernes, ipinakita ni Lacson ang video clip na nagpapakita na nag-testify si Mago kay Lacson kung saan sinabi nya na nautusan sya ng higher management na sabihan ang warehouseman na pekein ang expired labels sa face shields.


Sa pagdinig noong Sept. 24, sinabi ni Mago na si Mohit Dargani ang nag-utos sa kanya. Maaalala na kamakailan ay inaresto si Dargani at ang kapatid niyang si Twinkle bago pa man sila makalipad papuntang abroad nitong buwan.


"You could have mentioned Linconn Ong because he is part of the Pharmally management. You could also have mentioned Twinkle Dargani, and all other people and management of Pharmally. But you specifically mentioned Mohit Dargani," sabi ni Lacson kay Mago.


Sa kabilang banda, sinabi ni Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon kay Mago na perjury ang ginawa niya habang pinunto naman ni Senate minority leader Franklin Drilon na si Mago mismo ang nagdawit sa pangalan ni Dargani.


*********



Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post