Ping: Mga Opisyal ng Gobyerno, Di Dapat Protektado ng Bank Secrecy Law
Oktubre 7, 2021 - Lahat ng mga empleyado ng gobyerno--mula sa clerk hanggang sa Presidente--ay hindi dapat isama sa mabibigyang proteksyon sa Bank Secrecy Act, ayon kay Senador Panfilo Lacson.
Para sa senador, makakatulong ito sa pagpuksa sa korupsyon dahil mahihirapan na ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na itago ang kanilang nakaw na yaman.
"Whether janitor or clerk, all the way up to the President, kailangan di ka protektahan ng Bank Secrecy Act,” ani Lacson sa kanyang panayam sa One News nitong Huwebes.
Pinuna ni Lacson ang probisyon sa Bank Secrecy Act (RA 1405) na nagbabawal sa paglalantad o pagkwestiyon sa bank deposits na madalas inaabuso at nakakaantala sa mga imbestigasyon laban sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na pinagsusupetsahang nagpayaman lamang habang nakaupo sa pwesto.
Inihain ni Lacson ang panukala na tanggalin ang mga opisyal ng gobyerno sa mabibigyan ng proteskyon ng Bank Secrecy Act noong mga nakaraang Kongreso, kabilang dito ang Senate Bill 26 na inihain nitong ika-18 Kongreso.
Sa kasamaang palad, hindi nakapasa ang mga panukalang ito.
"Hindi dapat kasama sa provision ng Bank Secrecy Law once na pumasok ka sa gobyerno dapat hindi ka kabilang sa protection na binibigay ng Bank Secrecy Act. Sa kasamaang palad di ito umusad" sabi ni Lacson.
*********
0 comments:
Post a Comment