Thursday, October 7, 2021

Pantay na Oportunidad sa Gobyerno para sa Kababaihan, Siniguro ni Ping

Oktubre 7, 2021 - Siniguro ni Senador Panfilo Lacson na makakakuha na pantay na oportunidad ang mga kababaihan sa paghawak ng mga importanteng posisyon sa gobyerno kapag nahalal siyang Pangulo ng bansa.


Ayon kay Lacson, marami nang babae ngayon ang naging matagumpay sa kanilang pamumuno, kasama na rito si German Chancellor Angela Merkel at New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern.


"Napakaraming magagaling na women leaders hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo rin," ani Lacson sa kanyang panayaman sa One News nitong Huwebes.


Ibinahagi rin ni Lacson ang mga pag-aaral na nagsasabi na mas madaling matukso sa korapsyon ang kalalakihan kaysa sa kababaihan.


Nguni't para kay Lacson, ang titignan pa rin niyang basehan sa pagpili ng makakasama sa kanyang administrasyon ang mga indibidwal na may kakayahan at integridad na magsilbi sa bayan, anuman ang kasarian nito.


"Sa akin ang laging tinitingnan ko ang competence, especially integrity kasi napakaimportante," sabi ni Lacson.


Para sa senador na naghain ng kanyang Certificate of Candidacy sa pagka-Pangulo nitong Miyerkules, ang susunod na lider ay kailangan na magbigay ng solusyon at itama ang mga problema sa mga ahensya ng gobyerno at mga institusyon sa pananalapi.


Ibinigay niyang halimbawa ang mga kasalukuyang gawain sa PhilHealth, Government Service Insurance System at Social Security System, kung saan ginagastos ang mga kontribusyon ng mga miyembro sa bagay tulad ng representation expenses.


"It’s unfair to the members to treat their contributions as income ng GFIs. Yan isa lang ito na nakita natin na pwedeng baguhin in terms of the management of these institutions," diin ni Lacson.


*********




0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post