Black Propaganda Laban Kay Lacson, Isiniwalat ng Beteranong Mamamahayag
Oktubre 7, 2021 - Isang black propaganda campaign laban kay Senador Panfilo Lacson ang inilantad ng isang beteranong mamamahayag nitong Huwebes.
Pagsisiwalat ng kilalang columnist at TV talk show host na si Cito Beltran sa kanyang programa na “Agenda,” isang PR ang lumapit sa kanya para siraan ang senador.
Hindi naman ito pinatulan ni Beltran dahil sa kawalan ng ebidensya.
"Thank you for confirming it," sagot ni Lacson, na madalas na target ng black propaganda simula pa noong kanyang unang termino sa pagka-senador taong 2001.
Kamakailan lamang ay isiniwalat ni Partido Reporma spokesperson Ashley Acedillo ang mga dirty tricks na ito laban sa kandidatura ni Lacson sa pagka-Presidente kabilang na ang kumalat na fake news sa social media na siya ay umurong o may planong umurong sa pagtakbo sa halalan; at ang lutong mobile presidentiable 'text' survey kung saan tinanggal ang pangalan ni Lacson sa listahan ng mga pagpipilian sa pagka-Presidente.
Inalala ni Lacson na noong 2001, naging target sya ng black propaganda galing sa administrasyong Arroyo. Dahil dito, napuwersa siyang magsampa ng kasong libelo sa mga may kinalaman sa maruming kampanya na ito, upang maprotektahan ang kanyang dignidad.
Taong 2017 humingi ng tawad kay Lacson si dating Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines head Victor Corpus dahil sa pag-ugnay niya sa senador sa mga ilegal na aktibidad. Naglabas din ng public apology ang Philippine Daily Inquirer sa paglathala nito ng mga kolum na naglalaman ng fake news laban sa senador noong 2019. Sa kabilang banda, ibinasura naman ng Korte Suprema ang mga isinampang kaso laban kay Lacson.
Sa kabila nito, tingin naman ni Lacson na panahon na para i-decriminalize ang libelo dahil walang hangganan na ang sakop ng information technology.
"Ako supportive to decriminalize libel. Borderless na ang ating information technology," ani Lacson.
*********
0 comments:
Post a Comment