Tuesday, October 5, 2021

Ping, Isiniwalat ang Magkakasalungat na Testimonya ni Krizle Mago ng Pharmally




Oktubre 5, 2021 - Hindi nagsisinungaling ang video. Iyan ang pahayag ni Senador Panfilo Lacson nitong Martes hinggil sa magkakasalungat na testimonya ng empleyado ng Pharmally na si Krizle Mago sa pagdinig sa Senado noong ika-24 ng Setyembre at sa Kamara noong ika-4 ng Oktubre.


Hindi naniniwala si Lacson sa sinabi ni Mago sa Mababang Kapulungan na ang kanyang pag-amin sa pamemeke ng “expired” labels sa face shields ay dahil lamang sa “pressure.”


Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga iregularidad sa pagbili ng medical supplies para sa COVID-19 response nitong Martes, ipinakita ni Lacson ang isang video clip kung saan malinaw na hindi pinilit si Mago na gawin ang naturang pahayag noong pagdinig sa ika-24 ng Setyembre.


"You be the judge, Mr. Chairman, if that was a pressured response and if she was bullied by this representation when she admitted that Mr. Mohit Dargani gave her the instructions to have the stickers changed," ani Lacson.


Makikita sa video na hindi pinilit si Mago na magbigay ng testimonya na nagsasabing inutusan lamang siya ng nakatataas na opisyal ng Pharmally, partikular na rito si Mohit Dargani.


Sa kabilang banda, binigyang diin ni Lacson na hindi kailanman nagsisilbing criminal court o nagsasagawa ng witch-hunt ang Senado, bilang sagot sa pahayag mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang televised address nitong Lunes ng gabi.


"The Senate never claimed to be a criminal court. We investigate in aid of legislation as we had always done in the past, which resulted in some meaningful laws like the amended Anti-Hazing Law and many more meaningful legislations," sabi ni Lacson.


"But neither is the Senate investigation a witch-hunt. Our inquiries also led to the filing of criminal charges against certain government officials as well as their civilian cohorts," dagdag pa ng senador.


Binasa ni Lacson sa pagdinig ang memorandum mula kay Executive Secretary Salvador Medialdea na naglalaman ng direktiba ng Pangulo sa mga pinuno ng departamento at ahensya ng gobyerno, kabilang ang government-owned or controlled corporations at government financial institutions, na huwag nang dumalo sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, at mas bigyang pansin na lamang ang pagtugon sa state of calamity bunsod ng COVID-19.


"It bears repeating that all branches of government should work together against the common enemy which is corruption. The recent pronouncements made by the President may not be helping in this regard," diin ni Lacson.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post