Tuesday, October 5, 2021

 NAPAPALABAN  ANG ATING KABABAYAN


Sa makasaysayang Imus,
Isinilang ang isang musmos,
Sa kayamanan ay salat,
Sa mabuting asal ay iminulat,
Tuwid na landas, paggalang sa batas,
Kanyang mga magulang,
Siya’y binalangkas.

Katapanga’y di matatawaran,
Kakayana’y di matatapatan,
Malinis na record, sa panunungkulan,
Suhol ng jueteng, kanyang nilabanan,
Maling pork barrel kanyang tinanggihan.


Adbokasiya niya ay malinaw na kwenta,
Sa paggastos ng buwis mula sa dugo’t pawis,
Mahigpit na bantay sa pondo’y kumakatay,
Humanda at tiyak na kayo ay may latay.

Ginagalang ng kapulisan,
Pagdidisiplina ay puspusan,
Walang takot lumaban sa mali at kabuktutan,
Galit sa corrupt, subok na di corrupt,
Sa kanya’y tumino ang mga kotong cop.


Kelangan ng bayan ay tunay na pinuno,
Sa kanyang halimbawa, susundin sya sa pamumuno,
Di nagsisinungaling, di nagbibiro,
May isang salita, pangako’y di napapako.


Ipinagmamalaki namin ang kanyang katauhan,
Tunay ngang di kahiyahiya na sya ay ilaban,
LACSON ang ihahalal, aming kandidatong marangal,
Alay naming Kabitenyo, sa Inang Bayang minamahal.

*********

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post