Saturday, October 9, 2021

 Paano tayo makakatulong sa online Presidential Campaign ni Sen. Ping Lacson?


1) Mag-react sa mga content ng FB pages na kinukumpulan ng mga trolls gaya ng ABSCBN, Inquirer, Rappler, atbp.

    Sa pag-react sa mga like o dislike na mga posts, tingnan ang reaction icon na may pinakamaraming bilang. Kung ito ay heart, ‘yun din ang i-click, huwag ang thumbs up. Kung mayroon pang ibang laughing reactions at mayroon ding angry face, i-click ang laughing reactions. Makakatulong ito sa pagcompute ng FB algorithm.

    Halimbawa lang na ang isang pro-Ping na post ay mayroong mataas na heart reactions, mas mataas din ang tsansa na  ang lumutang na “most relevant posts” comments ay ang mga pabor sa atin. Sa kabilang dako, sa  post na pabor sa katunggali ni Ping, unang makikita ng mga taong hindi kasama sa network natin ay ang mga posts na pabor sa kanila.

2) Sa pag-reply o pagkontra sa post sa isang Public page, sa pagclick ng reply, automatic na nata-tag ang pangalan ng account user na iyong sinagot. Burahin muna ang tag bago i-send ang reply o pagsalungat para hindi maging puntos sa troll ang iyong ginawa.

3) Sa pagsalungat sa post ng isang Public page, siguraduhing kasama ang lehitimong source ng iyong argumento dahil awtomatiko nitong susupalpalin ang fake news. Kaya pinakamainam na i-save ang mga link sa Notes sa iyong cellphone ang mga pangontra sa fake news. Halimbawa lang: desisyon ng Korte Suprema sa Kuratong Baleleng, Dacer-Corbito case at ang exemption ng imported na semento sa buwis sa BOC.

4) Mag-post/ mag-share ng mga totoong balita tungkol sa mga akusasyon laban kay Ping. Puwedeng makuha ang mga ito sa pinglacson.net at sa official pages ni Ping. Dagdagan lang ng ilang pangungusap or caption upang hindi mapagkamalan na troll ang nagpost dahil ang mga ito ay nahahalata sa galawang copy & paste.

5) Kung magpopost ng PRO-Ping sa social media, gawing PUBLIC ang privacy setting upang maabot nito ang ibang users na nasa labas ng ating grupo. Huwag magpasindak sa trolls dahil kahit anong gawin nila, kung katotohanan ang dala mo, matatalo at matatalo sila sa argumento.

*********

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post