Ping, Inilatag ang 'Future-Proof' Strategy Para Makabangon Mula sa Pandemya
Oktubre 31, 2021 - Ibinahagi ni Senador Ping Lacson nitong Sabado ang kanyang "future-proof" strategy na nakabase sa pagpapalakas ng sektor ng kalusugan, pagbalik ng sigla sa ekonomiya at pagtiyak ng matinong pamamahala, para makaahon ang bansa sa New Normal.
Ayon kay Lacson na tumatayong standard bearer ng Partido Reporma, kailangang kumilos ang gobyerno nang mabilis at pasulong para tuluyang maka rekober sa pandemya.
"I commit to offer a 'Future-proof Strategy' in the New Normal – one that can stand firm against the many challenges in the coming years and grab the emerging opportunities we have at hand. We need to move forward and fast – otherwise, we will drown in this state of misery," ani Lacson sa "Meet the Presidentiables" forum na inorganisa ng Financial Executives Institute of the Philippines, Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Cignal TV at The Manila Times.
"Our approach to this health crisis must be proactive, not reactive, based only on science and driven by accurate data and not by 'pandemic politics' and never motivated by malevolent and unconscionable opportunism to make money out of the people’s difficulty and misery," dagdag ni Lacson.
Para kay Lacson, ang plano na ito na resulta ng serye ng mga konsultasyon sa iba't ibang grupo at lokal na opisyal ay ang kanyang preparasyon sakaling palarin sya na mahalal bilang Pangulo ng bansa sa Mayo 2022.
"If there is one thing that I have learned from my years of training as a soldier, it is - to never go unprepared in any battle," aniya.
Pagsasaayos ng Sektor ng Kalusugan
Ayon kay Lacson, kailangang ayusin ang sektor ng kalusugan sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kalayaan sa lokal na pamahalaan at pribadong sektor para magsagawa ng mga vaccination campaign lalo na sa mga malalayo at high-risk populations, at kung saan ang Department of Health ang magbibigay ng gabay at polisya. Dapat ding siguruhin na mayroong containment strategies tulad ng contact tracing, testing, at treatment nang walang gastos ang publiko.
Dagdag pa ni Lacson, isasaayos niya ang pagpapatupad ng Universal Health Care Act para hindi lamang ito maging maganda sa papel kundi para na rin matugunan ang layunin nito na magbigay ng healthcare coverage sa lahat ng Filipino nang walang inaalalang gastusin at out-of-pocket medical expenses.
Pinakaimportante sa lahat, pangako rin ni Lacson na sugpuin ang korapsyon sa sektor ng kalusugan. "Our health system is an agenda not solely within the domain of the Department of Health. We have to fix the very tall and centralized health delivery system by fully devolving not only the functions but the resources to the local government units as mandated under the Local Government Code of 1991," diin ito.
Pagbabalik-sigla ng Ekonomiya, 'Filipino First'
Samantala, binigyang diin ni Lacson na kailangang palakasin muli ang ekonomiya dahil hindi na natin kaya pa na magkaroon pa ng mga susunod na lockdown. Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), tinatayang aabot sa P41.4 trilyon ang kasalukuyan at pang-hinaharap na halaga na magagamit para sa pag-responde sa COVID-19 at quarantine. Sa 2020 lamang, tinatayang P20.5 bilyon kada araw ang nawala sa ekonomiya noong isinara ang NCR Plys at isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Lacson, kailangan ng maayos na paggasta ng pondo lalo na't umabot na sa P13.42 trilyon ang projected na utang ng bansa sa susunod na taon.
Kailangan din aniya na bigyang pansin ang micro, small at medium enterprises. 99.5 porsyento ng lahat ng negosyo sa bansa ay MSMEs at kinabibilangan ng 63.2% ng labor force.
Kasama sa mga solusyon na panukala i Lacson ang komprehensibo at targeted fiscal stimulus packages para matulungan ang mga negosyo na magbukas muli at maka-rekober; at ang pagtatanggal ng foreclosure moratoriums at employee-retention tax credits para mahikayat ang mga negosyo na magbukas muli.
Aniya, kailangang mas bigyang pansin ang mga Filipino enterprises sa halip a mga dayuhang negosyo kung saan binigay niyang halimbawa ang nagig iregularidad sa pagbili ng medical supplies ng DBM Procurement Service - "which procured more expensive face masks through wheeling and dealing and favored Chinese traders, made possible by the highly questionable transfer of P42 billion under the regular budget of the DOH."
Ang mas malala pa, ibinahagi ni Lacson na nakapandaraya ang mga negosyanteng Tsino sa bansa sa pamamagitan ng hindi pagbabayad ng buwis at sa halip ay bumibili sila ng mamahaling sasakyan o kaya naman ay inilalagay ang kanilang kinita sa ibayong dagat. "Where Noah Webster failed in inventing the word to describe an evil act of quenching one’s thirst for money out of a pandemic, it took us Filipinos to discover that word. It is called – pharmally," saad ni Lacson.
Pagsasaayos sa 4Ps, Internship Programs para sa Kabataang Pinoy
Mas palalakasin ni Lacson ang Conditional Cash Transfer a.k.a. 4Ps programs, "with the overarching principle that every Filipino should bridge the poverty line with a sustainable livelihood or employment opportunities."
"Our goal is to get people back to work through Cash-for-Work mechanisms. For one, we can tap the corporate social responsibility arms of corporations in pursuing initiatives to provide cash payments under ‘decent work’ conditions to enable them to get back on their feet," aniya.
Target din ni Lacson na hasain ang ating kabataan sa pamamagitan ng paid internship program. Para sa presidential aspirant, kasama sa kanyang economic roadmap ang pagpabibigay pansin sa pagpapalawig ng mga oportunidad para sa mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng pagbibigay suporta galing sa gobyerno sa national at local level at pagpapakilala sa mga lokal na produkto ng ating mga magsasaka.
Matinong Gobyerno, Pagsasaayos ng Tax Administration
Kasama sa economic agenda ni Lacson ang pagsasaayos ng tax administration at revenue collection sa pamamagitan ng cross-referencing ng mga datos sa pagitan ng malalakig revenue collecting agencies at iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng Land Transportation Office, Land Registration Authority, Securities and Exchange Commission at Department of Trade and Industry para maibsan ang ating tax collection leakages.
Sa kabilang banda, nangako rin si Lacson ng matinong pamamahala sa pamamagitan ng pag-aalis ng overregulation, at pagpapalakas ng digitalization ng proseso sa gobyerno para mawala ang korapsyon.
Sa pamamagitan ng polisiyang ito, mas mapapaganda at mapapataas ang pagkolekta sa buwis gayundin ang pagpapabilis ng mga transaksyon sa gobyerno.
Pagpapalakas sa LGUs sa Pamamagitan ng BRAVE; Prayoridad Para sa R&D
Layon ni Lacson na tiyakin ang makasaysayang pagtaas ng badyet para sa research and development, na nakakakuha ng 0.4 porsyento ng pambansang badyet.
Dedikado rin si Lacson na palakasin ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE), na layong mag-download ng resources sa mga LGU para maipatupad nila ang kani-kanilang development programs.
Iba pa sa sa mga reporma na nais gawin ni Lacson ang zero-based budgeting system at fiscal discipline sa pamamagitan ng leadership by example na malayo sa nakagawiang "politics of entertainment, double-speak, and lip service."
Itataguyod ni Lacson ang "rule of law, inclusiveness, transparency, and accountability – the very tenets of good governance."
Sa kabila ng lahat ng ito, binigyang diin din ni Lacson na kailangan ng bansa na pataasin ang lebel ng moralidad sa pamamahala - "Kakayahan, Katapangan at Katapatan" para mapatotoo ang mga pangako na ito.
*********