Ping: Pag-aayos na Gobyerno ang Kailangan sa Pagharap sa Mabibigat na Problema
Kailangang maireporma ang pamahalaan para maharap nito ang mga mabibigat na problema kagaya ng pandemya at ang korapsyon.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, dagdag na karapatan para sa mamamayan at makatuwirang paggamit sa maliit nang mapagkukunan ng pantustos ang dapat na maging pagbabago sa pamahalaan.
"As one nation, we must reinvent our bureaucracy – one that innovates and empowers its citizens, and commits to doing more with less. Make no mistake: our government is not just any family business, it is our nation’s business," banggit ni Lacson sa kanyang pagsasalita sa mga kasapi ng Rotary Club of ParaΓ±aque North nitong Sabado.
"The first agenda is addressing the pandemic. We cannot see it ending soon. The second is addressing corruption, which has been on the top of my list ever since I started my public service - when you address corruption, you are halfway to solving the nation's problems," paliwanag ng mambabatas.
Iginiit ni Lacson na dapat gamitin ang "zero-based budget planning" tulad ng ginagawa ng mga matatagumpay na pribadong kumpanya, sa halip ng pagpataw ng "budget ceiling" na ginagawa sa kasalukuyan.
Sa ilalim ng kasalukuyang sistema, malaking halaga sa badyet na hindi nagagamit nang maayos dahil sa kakulangan ng pagpaplano.
Binanggit din ng mambabatas na dapat baguhin na ng gobyerno ang overregulation o wala sa lugar na paghihigpit na humahantong sa pagkatukso sa ilan na gumawa ng katiwalian.
"I believe it is time we should depart from the 'more of the same' mentality. It is time for the government to treat the business sector as partners instead of competitors," diin ng mambabatas.
Idinagdag niya na ang mga polisiya na base sa "science, research and development" ay dapat na bigyan ng prayoridad sa pamamagitan ng paglalaan ng karagdagang pondo bunga na rin ng 0.4 percent lamang na nailaan sa R&D sa taunang pambansang badyet noong 2016-2021.
Kailangan din aniya na ganap nang maipatupad ang digitization para mapalakas ang ekonomiya at mabawasan na kundi man masawata ang "human intervention" o pisikal na partisipasyon ng mga tao sa transaksiyon ng pamahalaan sa usapin ng koleksiyon ng buwis.
"With things as they are, I have no doubt whatsoever that with science and evidence-based policies and decisive leadership, we will eventually see the light at the end of the tunnel, where COVID-19 will no longer be a scare," banggit ni Lacson.
Ayon pa kay Lacson, nais niyang isulong ang mga pagbabagong ito upang maipamana sa mga susunod na henerasyon at mapanumbalik ang dignidad at paggalang sa sarili ng mga Pinoy.
"How will we achieve this? Good government," pahabol ni Lacson.
*****
0 comments:
Post a Comment