Agosto 19, 2021
State Auditors, Sinaluduhan ni Ping vs Korapsyon
More at: https://pinglacson.net/2021/08/19/state-auditors-sinaluduhan-ni-ping-vs-korapsyon/
Personal na sinaluduhan at hinangaan ni Senador Panfilo Lacson ang mga auditor ng gobyerno sa pagiging listo at maagap ng mga ito sa pagsuri sa kahina-hinalang transaksiyon sa ilang ahensiya na posibleng mauwi sa korapsiyon.
Ayon kay Lacson, kung walang Commission on Audit (COA) na nag-uulat, malayang-malaya ang mga tiwaling opisyal sa pag-abuso at paglustay sa limitado nang pondo mula sa kaban ng bayan.
"Imagine a country without state auditors… kanya kanyang kupit, kanya kanyang kurakot," banggit ni Lacson sa pamamagitan ng Twitter.
[https://twitter.com/iampinglacson/status/1428130120242405378]
Binanggit ni Lacson ang pagsilbato ng COA sa ilang kaduda-dudang transaksiyon hindi lamang sa Department of Health, kundi maging sa ibang ahensiya na kinabibilangan ng Department of Budget and Management Procurement Service (DBM-PS), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Information and Communications Technology (DICT) at iba pa.
Muli ring idiniin ng mambabatas na ang COA ay isang independent constitutional body na may mandato na dapat tuparin. At sa aspeto ng pagiging bukas sa lahat, may karapatan ang mga Pilipino lalo na ang mga nagbabayad ng buwis na malaman kung paano ginagastos ng pamahalaan ang pera nila.
Sa panayam ng DCG FM na nakabase sa Quezon, pinahalagahan ni Lacson ang hindi pabago-bagong paninindigan bilang susi ng matinong pamamahala at pagwaksi sa korapsiyon.
"The key is consistency. If you have one standard for friends and allies, and another one for everyone else, you won't succeed," ayon kay Lacson.
"I cannot get tired from stressing this: our biggest problem is bad governance. But the solution also lies in good governance," pahabol ng senador.
0 comments:
Post a Comment