Suportado ng We Need A Leader 2022 movement… ‘Metro’ ni Ely Buendia, akma kay Ping Lacson
MULING inilabas ang kantang Metro ng sikat na bandang Eraserheads na ang bokalista pa nuon ay si Ely Buendia.
Last March, gumawa ng ingay ang political song ni Ely na “Metro,” na hingil sa pagpili ng susunod na lider ng bansa sa 2022.
Una nang ginamit ang kanta sa “We Need A Leader, 2022,” isang kilusan na nananawagan para sa mahusay na pagpili ng susunod na lider ng bansa sa 2022 elections.
Malaman at matapang ang mensahe ng kanta ni Ely gaya ng “Mga abuso sa kapangyarihan/At maling pamamalakad/Ang sagabal sa kaunlaran.” Mayroon ding, “Kapatid ‘di pa ba nagsasawa?/Tumatakbo ang metro/Isa lang ang iyong pagpipilian/Pangulo ba o panggulo?”
Dahil sa nasabing kanta ay may panawagan pa nga si Ely sa mga botante, “Panahon na upang imulat ang mata sa katotohanan/Pandemya at kawalan ng kabuhayan/Asan na ang nawawalang lupa’t pera/Bagsak ang ekonomiya/Di ka ba nagtataka?/Pinunong may talino, puso at tapang/Ito ang kailangan ng ating bayan.”
At ngayon ngang Agosto, inilabas muli ang video ng Metro. Pero ngayon ay makikita na ang pangalan at larawan ni Senador Ping Lacson na tatakbong pangulo sa 2022, na suportado ng “We Need A Leader, 2022” movement.
Para sa kanila ay taglay ni Ping ang talino, tapang, lakas ng loob, paninindigan at malasakit ng isang tunay na lider na kailangan ngayon ng bayan.
0 comments:
Post a Comment