Wednesday, August 25, 2021


Hamon ni Ping kay Duque: 'Sindikato' ng Katiwalian sa DOH, Gibain

Hinamon ni Senador Panfilo Lacson si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na putulin na ang pamamayagpag ng mala-sindikatong gawain sa kagawaran gaya ng nakaugalian nang labis-labis na pag-iimbak ng gamot na kadalasang nasisira lamang.

Ang hamon ni Lacson ay Duque ay kasunod ng pagsiwalat ng mambabatas sa tinatayang P2.736 bilyong halaga ng gamot na nasira na o kaya nalalapit na sa pagkasira sa poder ng DOH, kung saan nasa P2.2 bilyon ay naitala sa 2019 lamang.

"We wasted P2.736 billion in taxpayers' money. What’s the reason for this? Why are we overstocking? Why are we buying medicines near their expiration dates? What does this tell us? I’ve been an investigator all my life. To me, this indicates that there is probably a 'mafia' that is well-entrenched - can't be uprooted," banggit ni Lacson sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

"Unless the leadership of the DOH will put his foot down and do something about this, we won't see the end of this overstocking of medicines," dagdag ni Lacson.

Batay sa mga datos na nakuha ni Lacson sa Commission on Audit (COA), nasa P95,675,058.98 ang nasayang sa taong 2020; P2.2 bilyon noong 2019; P378,169,000 sa 2018; P7,031,542 noong 2017; P25,866,000 noong 2016; P18,394,000 noong 2015; P6,851,000 noong 2014 at P4,442,000 noong 2013.

Ipinaalala ng senador sa kalihim ang pangako nitong sosolusyunan ang nabanggit na problema nang ito ay sumalang sa Commission on Appointments (CA) noong 2018 pero hanggang ngayon ay nangyayari pa rin.

Bagama’t nangako si Duque na iimbestigahan niya ito, pinayuhan siya ni Lacson na mas mainam na malalimang usisain ang departamentong ugnay sa pagbili ng mga gamot at mga katulad na transaksiyon.

"I think the better approach here is a thorough scrutiny of the unit under DOH that’s in charge of procuring drugs and medicines... It's wastage of public funds," ayon kay Lacson.

Inusisa din ng mambabatas ang hindi maayos na pangangasiwa sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP) projects na kinapapalooban ng P4.003 bilyon umpisa noong 2014.

"This may not be an issue of corruption. But this is an issue of inefficiency," banggit ni Lacson na tinugon naman ng kalihim ng pag-imbentaryo sa mga proyekto.

Ipinaalala rin ni Lacson kay Duque ang paggastos ng pondo na hindi sumusunod sa mga patakaran at alituntuning nakasaad sa batas ng ilang operating units ng ahensiya.

Ayon sa mambabatas, mula 2016 hanggang 2020 ay umabot sa P956,769,748.22 ang halaga ng pondong nagamit nang hindi nakabatay sa mga alituntunin lalo na sa pangangasiwa ng HFEP infrastracture projects.

*****


 

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post