Monday, August 23, 2021


Ping, Nag-Resign sa Senate Finance Committee

Para makapag-focus sa pagsusuri ng panukalang badyet sa taong 2022 at sa mga "red flag" ng Commission on Audit sa ilang ahensya tungkol sa estilo ng paggamit nila ng pondo.

Ito ang mga dahilan ng pagbibitiw ni Senador Panfilo Lacson bilang Vice Chairman ng Senate Committee on Finance na pangunahing may tungkulin sa pag-aaral sa panukalang badyet ng pamahalan taun-taon; at bilang Chairman ng Finance Subcommittee C.

Ayon kay Lacson, ang mga huling pagpuna ng COA sa paggamit ng ilang ahensiya sa mga pondong ipinagkaloob sa kanila ay indikasyon ng lantarang kapabayaan at posibleng pag-abuso sa pondo ng pamahalaan.

"I trust that it is to the greatest interest of our people to once and for all, ferret out the truth behind these reports, put value to the oft-ignored COA mandate, and ensure that there will be no 'sacred cows' in making accountable those who have blundered the effective and proper use of public monies," banggit ni Lacson sa resignation letter na kanyang isinumite kay Senate President Vicente C. Sotto III.

Sa kabila nito ay tinitiyak ni Lacson ang patuloy na aktibong partisipasyon sa deliberasyon ng pambansang gastusin ng pamahalaan upang mapanatili ang mga prosesong nararapat para umiral ang "checks and balances" sa pagitan ng mga sangay ng pamahalaan.

Bilang dating chairman ng Finance Subcommittee C, si Lacson ang nag-iisponsor sa mga taunang badyet ng mga sumusunod na ahensiya:

* Department of Information and Communications Technology and its attached agencies
* Department of National Defense at mga kaakibat na ahensiya
* Commission on Human Rights
* Dangerous Drugs Board
* Mindanao Development Authority
* Office of the Presidential Adviser on the Peace Process
* Philippine Drug Enforcement Agency
* Presidential Legislative Liaison Office
* Southern Philippines Development Authority


 

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post