Friday, August 6, 2021


Ping: Dahil Itinanggi ng PNP, Illegal Data-Gathering Gamit ang Pondo ng NTF-ELCAC Itigil Na

Agosto 7, 2021


Dapat matigil na ang pagsasagawa ng “census” sa ilang barangay gamit ang pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), kasunod ng pagtanggi ng mismong pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na pinapayagan nito ang aktibidad na ito.

Ito ang mensahe ni Senador Panfilo Lacson, kasunod na rin ng mga impormasyon na kanyang natatanggap tungkol sa "census" mula mismo sa mga field commanders ng PNP.

Ayon kay Lacson, bilang pangunahing sponsor sa Senado ng badyet ng NTF-ELCAC, hindi niya puwedeng ipagkibit-balikat na lamang ang ganitong impormasyon.

"The PNP’s denial should put a stop to the illegal data gathering activities on 30% of the country’s local population. As the Senate’s principal sponsor of the NTF-ELCAC budget, I cannot simply disregard a pattern of such reports coming from their own field commanders," banggit ni Lacson sa Twitter.

Nitong Biyernes, itinanggi ng PNP ang paggamit nang hindi tama sa pondo ng NTF-ELCAC, sa paggawa ng census sa iba't ibang barangay sa buong bansa.

Ayon sa PNP, ipinapatupad lamang nito ang "Intensified Cleanliness Policy" kabilang na ang "cleanliness in the community," habang pinapalalim ang mga programang may kaugnayan sa police-community relations para maprotektahan ang pamayanan lalo na ang mga kabataan sa mga sindikato at pag-recruit ng "communist fronts."

Idiniin din ng PNP na ang lahat ng ginagawa nitong may kaugnayan sa pondo ng NTF-ELCAC ay "above board" at handa silang harapin ang anumang imbestigasyon na isasagawa.

Pero naninidigan si Lacson na kung makikita niyang nagamit nga nang hindi tama ang pondo ng NTF-ELCAC, sasamahan niya si Sen. Franklin Drilon sa panawagang burahin ang iniulat na panukalang P40 bilyon na pondong nakapaloob sa 2022 National Expenditure Program.

"I will even request the Office of the Ombudsman to conduct a motu propio investigation," banggit ni Lacson.


 

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post