Wednesday, August 4, 2021

 


Agosto 5, 2021

Korapsiyon, Labis na Paghihigpit, at Pagiging Benggador, Bawal sa Lacson Presidency

    Walang korapsiyon, walang hindi makatuwirang paghihigpit sa pribadong sektor, at walang paghihiganti sa mga umapi at sumira sa kanyang pagkatao.

    Ito ang tiniyak nitong Huwebes ni Senador Panfilo Lacson na maaasahan ng mga Pilipino sa ilalim ng kanyang pamumuno.

    "I'll be unforgiving especially on acts of corruption. It’s a crime against the Filipino people. We have so many tax measures yet we see people stealing from government coffers. That should not be forgiven," banggit ni Lacson na naglantad sa Senado ng iba’t ibang mukha ng katiwalian sa pamahalaan, sa panayam ng ANC.

    Ayon pa sa mambabatas, ang wala sa lugar na paghihigpit sa mga mamumuhunan ay nagiging dahilan upang matukso ang mga taga-gobyerno na hingian ng ‘pampadulas’ ang mga ito kaya hindi niya ito bibigyan ng pagkakataon.

    Paliwanag ni Lacson, dapat lamang na ipatupad ang umiiral na batas kabilang na ang sa pagnenegosyo, pero kapag may nag-abuso ay nakahandang tumuwid ang gobyerno.

    "Leave the business sector alone but enforce the laws," ayon pa kay Lacson.

    Hindi rin papayag ang mambabatas sa paghihiganti sa mga sumira sa kanyang pagkatao dahil hindi umano makakausad nang maayos at pasulong ang gobyerno kung maya’t maya ay lumilingon ito sa likod.

    "You try walking forward while looking backward. Matatapilok ka. You cannot go forward if you keep looking back," ayon kay Lacson.

    Sa usapin naman ng kampanya laban sa ipinagbabawal na droga, tiniyak ni Lacson na kanya itong itutuloy pero magkakaroon ng mga maayos na pagbabago.

    "As Senate President Vicente C. Sotto III said, it will be holistic. The Duterte administration focused on law enforcement, that's why we see so many killings, mostly of those wearing slippers. Like the Senate President said, we should focus on prevention and rehabilitation, not just law enforcement. Law enforcement is just one component of the drug war. Papatay tayo ng papatay ng tao without really seeing a positive resolution of the drug problem," paliwanag ni Lacson.

    Sinusugan naman nito ni Sotto, ang magiging running mate ni Lacson, ng mga katagang nagpapakita ng pagpihit sa kampanya sa higit na matinong direksiyon.

    "There must be heavy programs on prevention and rehabilitation," ayon kay Sotto.


0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post