Tuesday, August 24, 2021


Panukalang Batas ni Ping: Pensiyon, Benepisyo ng mga Retiradong DFA Career Officials, Dagdagan

Karagdagang buwanang pensiyon at dagdag benepisyo sa mga retiradong career officials ng Department of Foreign Affairs (DFA), pati sa mga naaksidente o nadisgrasya habang sinusulong ang kapakanan ng mga Pinoy at ng Pilipinas sa ibayong dagat.

Ito ang pangunahing nilalaman ng Senate Bill 2347 na inihain ni Senador Panfilo Lacson bilang pag-ayuda sa kapos na buwanang pensiyon na tinatanggap ng mga nabanggit na retiradong opisyales ng kagawaran, sa kabila ng halos pagbubuwis-buhay ng mga ito sa pangangalaga ng kapakanan ng mga Pinoy sa ibayong dagat, lalo na sa mga delikadong bansa.

"Personnel of the DFA are at the frontlines of Philippine foreign relations, sometimes risking their lives under dangerous conditions in their countries of assignment. While in active service, diplomats have demonstrated their resilience as the Philippines’ first line of representation in dealing with a plethora of concerns. Their initiative, competence, professionalism, and creativity have resulted in enduring bilateral and multilateral partnerships, strategic agreements and collaborative engagements that continue to be harnessed for our people’s benefits," paliwanag ni Lacson sa naturang panukala.

Ayon kay Lacson, ang kanyang panukala ay upang matiyak na masusuklian ng pamahaalan ang mga nabanggit ng opisyal ng "support that is adequate and responsive to their needs, and to reassure them that their dedication and loyalty to the Filipino people is not forgotten."

Napagpasya si Lacson, na chairman ng Committee on Foreign Affairs ng Commission on Appointments, na isulong ang panukala matapos makipagpulong kay retired Ambassador Raul Hernandez, na ngayon ay Assistant Secretary ng Department Legislative Liaison Unit (DLLU) ng DFA.

Saklaw ng Senate Bill 2347 ang mga retiradong opisyal at empleyado ng DFA na nakapaglingkod na ng 15 taon pataas at kabilang sa mga nakakatanggap ng buwanang pensiyon buhat sa  Government Service Insurance System (GSIS).

Sa ilalim ng panukala, ang mga pensiyon at benepisyong nakapaloob sa Republic Act 7157 na sumasaklaw sa mga nagretirong opisyal at kawani ng DFA ay awtomatiko nang ibabatay sa salary grade ng mga posisyon na iniwanan ng mga ito.

*****


 

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post