Sa Pahayag ng Pangulo na Walang Nangyayari sa Senate Inquiries
Hindi dapat paniwalaan ng mga Pilipino ang pahayag ng Pangulo na walang nangyayari sa mga imbestigasyon na ginagawa sa Senado. Maraming batas na pinakikinabangan ng taumbayan ang naipasa namin dahil sa mga inquiries at imbestigasyon na isinagawa namin.
Magbasa rin muna siya tungkol sa doktrina ng Separation of Powers at Checks and Balances ng Ehekutibo, Kongreso at Hudikatura bago niya kami pakialaman sa Senado.
Sa halip, asikasuhin niya ang mga kakulangan ng sangay ng gobyerno na kanyang pinamumunuan na hitik sa incompetence at corruption, hindi lang sa pagtugon sa pandemya kundi sa maraming aspeto ng governance.
Kaya hindi nakakasuhan ang ilang matataas na opisyal na naging subject ng pag-iimbestiga namin ay dahil ipinagtatanggol niya sa halip na makasuhan.
Hindi trabaho ng Senado ang magsampa ng demanda. Trabaho ng Executive Branch iyon. Judiciary naman ang magpapakulong. Mahirap bang i-memorize yan?
*****
0 comments:
Post a Comment