Mga welders sa Batangas sumuporta kay Ping Lacson
Sa pagtitipon ng mga welders mula sa syudad ng Sto Tomas at Lipa at ng mga bayan ng Malvar, Talisay at Laurel ay nabuo ang isang desisyon na suportahan ang kandidatura ni Senator Ping Lacson sa pagkapangulo sa taong 2022.
Binanggit nang tagapag salita ng grupo na si Jinky Babao na hindi naging mahirap para sa kanila ang mag desisyon pabor kay Senator Ping Lacson. Aniya “si Ping Lacson ay may integridad, subok na liderato at may pagpapahalaga sa manggagawang Pinoy”.
Naging tampok na pinag usapan ang panukala ni Senator Lacson na isabatas ang pagkakaroon ng Registry of Workers sa buong kapuluan, sa mga probinsya at syudad at munisipyo. Magiging mabilis ani Babao “ang pag access ng mga mamamayan sa serbisyo ng mga skilled workers katulad ng tubero, welder, electrician at karpintero.”
Hihikayatin nila ang iba pang mga manggagawa sa lalawigan at rehiyo para kay Ping. Tiyak ang paglago ng ekonomiya at pagbuti ng peace and order sa administrasyong Lacson - Sotto sa 2022.
-Pictures courtesy of “Balisong para kay Ping Lacson 2022, Batangas”
0 comments:
Post a Comment