Monday, March 28, 2022

Ping: Bakit Nagkulang ang DA sa Pagtulong sa mga Bayang Apektado ng ASF sa Cotabato?

Marso 28, 2022 - Bakit nagkukulang ang Department of Agriculture sa pagtulong sa mga komunidad na apektado ng African Swine Fever (ASF) sa bayan ng Mlang sa Cotabato?


Tanong ito ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson sa DA nitong Lunes matapos nilang malaman at masaksihan ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III ang sitwasyon sa lugar nitong buwan.


"Ang nag-abono, local government unit, in the amount of P10.7 million. Magkano ang pondo ng DA sa ASF? Narito rin ang hog raisers, they will benefit to find out from DA anong nangyari sa funding sa ASF," ani Lacson sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole hinggil sa agricultural smuggling at sa iba pang isyu sa sektor ng agrikultura.


Base sa isang ulat noong January 2022, itinuring na "red zone" ang bayan ng Mlang matapos kumalat ang ASF sa sampu sa mga kanayunan nito. Naapektuhan din ng ASF ang halos 2,044 na baboy na pagmamay-ari ng 430 na magbabababoy sa lugar. Tinatayang nagkakahalaga ang mga ito ng P7 milyon.


Ayon kay acting agriculturist Arlene Encarnacion, isa sa mga sanhi ng pagkalat ng swine disease ang di pagsunod sa biosecurity protocols ng mga may-ari ng babuyan at pag-smuggle ng mga karne mula sa mga baboy na nagkaroon ng ASF.


Ayon kay Lacson, nalaman nila ang sitwasyon na ito sa kanilang pagbisita mismo sa Mlang noong Marso 24. Ayon kay Teresa Engada, miyembro ng Magalion Farmers Association, may pagkukulang sa pagbibigay ng tulong ang DA para sa mga apektado ng ASF kaya naman ang kanilang local government na ang sumaklolo sa mga ito ay nagbigay ng financial assistance.


Sinabi ni Engada na nakatanggap sila ng P5,000 mula sa DA kada baboy na namatay habang may karagdagang P2,000 naman na ibinigay ang lokal na unit ng Mlang.


"Dahil helpless sila, ang nag-rescue LGU. Ang laki ng tama nila yet DA has no idea. Homework mo nga yan," ani Lacson sa mga opisyal ng DA na dumalo sa pagdinig.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post