Saturday, March 26, 2022

Ping: Eleksyon, Nakatuon Dapat sa Kinabukasan ng Bansa, Hindi sa 'Money Politics'

Marso 26, 2022 - Ang kinabukasan ng sambayanang Pilipino ang dapat tutukoy sa magiging resulta ng eleksyon sa Mayo, at hindi ang "money politics," ayon kay independent presidential candidate Sen. Panfilo "Ping" M. Lacson nitong Sabado.


Muling binigyang diin ni Lacson ang kahalagahan na magkaroon ng karapat-dapat na lider ang bansa na may sapat na kaalaman sa pagpapatakbo ng gobyerno.


"I am perceived to be the most knowledgeable in management of government, way above the rest, and yet that does not factor in the surveys? Nonetheless, I will continue to champion my track record, qualities, platforms, and standard of what the Philippines needs," ani Lacson.


Iginiit din ni Lacson na tumanggi siya sa "money politics" at pinanindigan ang kanyang prinsipyo at integridad nang kanyang napag-desisyunan na bumitiw bilang chairman at miyembro ng Partido Reporma.


Nitong Huwebes, nagbitiw si Lacson sa partido matapos nagpasiya ang ilang opisyal na iendorso ang ibang kandidato. Noong Biyernes, isiniwalat ni Lacson na humihingi ng P800 milyon ang Reporma bilang campaign expenses. Ito ang naging dahilan kung bakit lumipat ang Reporma sa ibang kandidato.


"Kung corrupt ako, madali ko sanang maibibigay ang P800 milyon na hinihingi nila. But I don’t have the guts to steal or accept bribes. Nothing can ever change my principles and tarnish my integrity. This fight is not just about me and the present. It is about our country’s future," ani Lacson sa kanyang Twitter account.


Ibinahagi rin ni Lacson ang kanyang pakikipag-usap sa ibang lokal na kandidato ng Reporma tungkol sa sinabi ni dating Speaker at party president Pantaleon Alvarez

na pine-pressure nila ang campaign headquarters na bigyan sila ng pondo. "So far, no one has confirmed such assertion. Their common parting words: TULOY ANG LABAN!" ani Lacson.


Samantala, muli namang iginiit ni Lacson ang kanyang tindig laban sa money politics kung saan may inaabot ang ibang mga kandidato sa mga botante ngunit sa bandang huli ay babawiin nila ang ipinamahaging pera na ito kapag sila ay naupo sa pwesto.


"As long as 'money politics' dominates our elections, it will be a vicious ‘cycle of revenge’ between candidates and voters: voters having a field day during the campaign period and candidates exacting vengeance for three or six years of victory. Kawawang Pilipinas," saad ni Lacson.


*********




0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post