Thursday, March 10, 2022

 Ping: Balanseng Minimum Wage, Kailangang Repasuhin Bunsod ng Pagtaas ng Presyo ng Langis


Marso 10, 2022 - Ipinahayag ni Senador Ping Lacson nitong Huwebes na napapanahon na para repasuhin ang minimum wage bilang tulong sa mga manggagawa na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.


Ayon kay Lacson na kasalukuyang tumatakbo bilang Pangulo sa ilalim ng Partido Reporma, kadalasang isyu na naririnig nila ng kanyang Vice Presidential bet na si Senate President Tito Sotto mula sa kanilang mga kumustahan at town hall meeting ay ang pagtaas ng presyo ng bilihin.


"Napaka-timely ang panawagan ni Labor Sec. Silvestre Bello III na mag-meet ang tripartite wage board para pag-usapan kung kailangan na bang i-adjust ang minimum wage ng ating mga kababayan," ani Lacson sa kanyang panayam sa Bombo Radyo.


Aniya, maraming manggawa na kanilang nakausap ay umaaray na sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo. Dagdag pa ng presidential aspirant, bagama't kinakaya pa ng mga mayayaman ang pagtaas na ito, ang mas nahihirapan sa ganitong sitwasyon ay ang mga ordinaryong Pilipino.


Kailangan din aniya na balansehin ang panawagan ng mga manggagawa sa nakabubuhay na sahod at ang kapasidad ng employers na magbayad ng mas mataas na sahod.


"So dapat talaga pag-usapan natin kung dapat i-adjust ang ating minimum wage earners," saad ni Lacson.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post