Marso 13, 2022 - Isang nawalang oportunidad dahil sa "sports politics."
Ito ang pagsasalarawan ni Senador Ping Lacson sa pagkakatanggal sa international pole vaulter na si Ernest John "EJ" Obiena mula sa World Indoor Championships.
"EJ Obiena: a case of missed opportunity because of sports politics. Sayang," ani Lacson sa kanyang Twitter post nitong Linggo.
Nagmula ang insidente na ito sa hindi pag endorso sa kanya ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), na kanyang nakaalitan kamakailan.
"Unacceptable! We just threw away a golden opportunity to showcase our world-class talent - all because we cannot get our acts together," giit ni Lacson.
"I am sure we Filipinos can accept losing in a fair competition. What we cannot accept is being denied the opportunity to compete in the first place," dagdag ng senador.
Inihalintulad ni Lacson ang sitwasyon sa ating mga siyentipiko na nagpupunta abroad dahil sa kawalan ng suporta sa kanila ng ating gobyerno sa sarili nilang bansa.
"We have so many homegrown talents, whether they be in science and technology or sports. But we simply don't maximize their talents and instead allow them to go abroad. When they succeed there, we can only feel regret for not supporting them earlier," saad ni Lacson.
Noong Sabado, sinabi ni Obiena na ang dahilan ng kanyang hindi pagsali sa international competition ay bunsod ng hindi pag-endorso sa kanya ng PATAFA sa kabila ng kanyang "prime physical and mental condition," at pagiging handa na maging "first Philippine HOME-GROWN athlete to compete in the Worlds" - ngunit nauwi sa pagiging "only top-ranked vaulter not participating."
Dahil dito, sinabi ni Lacson na panahon na para magkaroon ng mekanismo para panagutin ang ating national sports associations tulad ng PATAFA sa mga ganitong insidente.
"So much taxpayers' money goes to our sports bodies to do one job: make sure we develop our athletes and give them the opportunity to represent us especially in international competitions. Clearly something went wrong in EJ's case and we Filipinos are sadly paying the price," sabi ni Lacson.
"We dropped the ball in EJ's case. The least we can do now is to make sure this does not happen again," dagdag pa ng senador.
*********
0 comments:
Post a Comment