Wednesday, March 23, 2022

Go Negosyo, Sinigurong Tutulungan ang Kangkong Chips Entrepreneur Matapos ang Panawagan ni Ping

Marso 23, 2022 - Matapos manawagan ng tulong si Senador Ping Lacson para kay Josh Mojica, ang batang kangkong chips entrepreneur mula sa Cavite, siniguro ng Go Negosyo na tutulungan nila ito sa pag-market ng kanyang produkto sa ibang bansa.


"Mr. Joey, Mr. Elmer, baka pwede nating tulungan ang bata kasi napakalaki ng kanyang potential," panawagan ni Lacson kay Go Negosyo founder Joey Concepcion at mentor na si Elmer Relente sa programang "Kandidatalks" sa One PH.


"We cannot do away with requirements. Ang hinihingi ko lang maayudahan, ma-guide ang bata," dagdag pa ng senador.


Noong Marso 5, binisita ni Lacson si Josh sa Mendez, Cavite. Aniya, marami pang maliliit na negosyante sa bansa ang maaaring matulad sa tagumpay ni Josh kung makikipagtulungan ang gobyerno sa pagpapalago ng MSMEs sa bansa.


Sa kasalukuyan, may 100 empleyado at suppliers na si Josh at plano pa nyang ipakilala ang kanyang produkto na kangkong chips sa ibang bansa tulad ng Canada, Japan at United Arab Emirates. Sa kabilang banda, aminado si Josh na nahihirapan siyang sundin ang mga rekisito na hinihingi ng mga ahensya ng gobyerno.


"That’s just a microcosm of what’s happening in the entire country," giit ni Lacson.


Sinabi naman ni Concepcion na magpapahatid sila ng tulong kay Josh. "Kung pwede nyo ibigay ang pangalan ng entrepreneur para kami ang tutulong sa kanya para umunlad ang negosyo niya," ani Concepcion.


Kabilang sa mga plano ni Lacson para matulungan ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) ang pagkakaroon ng: komprehensibo at targeted fiscal stimulus packages; eviction at foreclosure moratoriums, “lower-interest-bigger loans” na programa mula sa  financial institutions ng gobyerno; at employee-retention incentives para mahikayat ang mga negosyante na bumalik ulit sa pagnenegosyo.


Layon din ni Lacson na paigtingin ang “Made in the Philippines” campaign para mahikayat ang pagbili at pagkonsumo ng mga lokal na produkto at serbisyo.


Tumatakbo ang Lacson-Sotto tandem sa ilalim ng plataporma na "Aayusin ang gobyerno, aayusin ang buhay ng bawat Pilipino" at pagpapanagot sa mga tiwali sa gobyerno (Uubusin ang magnanakaw).


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post