Wednesday, March 23, 2022

Sentralisadong Financing Facility para sa MSMEs, Kasama sa Prayoridad ng Lacson-Sotto

Marso 23, 2022 - Sa halip na magkaroon ng samu't saring assistance package mula sa iba't ibang ahensya ng gobyerno para sa micro-, small and medium enterprises (MSMEs), bakit hindi nalang ipunin ang pondo at ilagay sa isang financing facility?


Para kay Senador Ping Lacson, mas magiging madali ito para sa MSMEs na mabigyan ng sapat na tulong lalo na sa mga negosyong naapektuhan ng pandemya, tensyon sa Ukraine, climate change at iba pang kalamidad.


Sinabi ni Lacson na ito ang plano nilang gawin ni Senate President Tito Sotto sakaling sila ay mahalal bilang bagong lider ng bansa.


"Ang iniisip namin ni Senate President Sotto rito, i-streamline natin. Bakit di natin i-pool sa isang pondo kung saan ilagak natin para alam ng MSME na tinamaan ng pandemya o anumang crisis, giyerang Russia sa Ukraine, sa climate change, kalamidad, meron agad silang pupuntahan na ahensya kung saan accessible sila?" ani Lacson.


Tinatayang 99.5 porsyento ng negosyo sa bansa ay MSMEs at binubuo sila ng 63.2 porsyento ng pangkalahatang bilang ng manggagawa sa bansa.


Sa kabila ng mahigit sa 20 programa ng gobyerno para sa MSMEs, sinabi ni Lacson na ang iba sa mga MSMEs ay hindi alam na may mga ganitong programa para sa kanila.


Nabigla rin aniya sila ni Sotto nang malaman na may mga ganitong programa pala ang Department of Trade and Industry,  Department of Agriculture, at iba pa.


Ang malala pa rito, mas pinipili pa ng MSMEs na humiram ng pera sa bangko dahil hindi nila lubos na naiintidihan ang mga rekisito para sa pagkuha ng government assistance.


"Isip namin ni SP, streamline natin," saad ni Lacson.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post