Sunday, March 13, 2022

Ping: Namumuong Tensyon sa North Korea, Kailangan Ding Paghandaan


Marso 13, 2022 - Maliban pa sa tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine ay kailangan din na paghandaan ng ating bansa ang namumuong sitwasyon sa North Korea, ayon kay Senador Ping Lacson nitong Linggo.


Base sa mga ulat, nagiging agresibo ngayon ang North Korea matapos mag-fire ng umano'y ballistic missile ilang araw bago isagawa ang eleksyon sa South Korea.


"We need to watch this carefully, this is very close to us and quite unpredictable," ani Lacson na kasalukuyang pinuno rin ng Senate Committee on National Defense and Security.


Ayon kay Lacson, may ulat na dalawang beses na na nagkaroon ng testing ng missiles ang North Korea.


Bagama't sinabi ng North Korea na konektado lamang ito sa bagong reconnaissance satellite program, hinala ng Estados Unidos na malamang ay isang ICBM ang kanilang tine-test.


Isang pahayag mula sa US Indo-Pacific Command ang nagsasabi na ang mga naturang ballistic missile launch ng DPRK ay labag sa "multiple UN Security Council resolutions and pose a threat to the DPRK's neighbors and the international community."


Dahil dito, mas pinaigting ng US Indo-Pacific Command ang kanilang surveillance at reconnaissance collection sa Yellow Sea, at pinaghahandaan na ang kanilang ballistic missile defense forces sa rehiyon.


Sinabi ni Lacson na kailangan nang maging mas alerto ng ating bansa sa anumang tensyong mangyari sa Korea at Japan dahil marami tayong kababayan ang naninirahan at nagtatrabaho sa mga bansang ito.


"I hope that it does not come to this and that diplomacy will prevail.  However, the reality is that the situation requires vigilance and preparedness on our part," dagdag ng senador.


Nitong nakaraang buwan, nanawagan din si Lacson na dapat paghandaan na ng ating gobyerno ang sitwasyon sa Ukraine at ang posibleng epekto nito sa ating ekonomiya.


Hinikayat din ng presidential aspirant na maghanda na sa posibleng pagkalat ng epekto ng naturang sigalot sa buong Asya.


"Mabuti rin na naka-ready tayo kesa mabigla tayo," ani Lacson sa kanyang panayam sa DZRH.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post