Tuesday, September 7, 2021

 

TALUMPATI NI SENADOR PING LACSON Paghahayag ng Kandidatura sa Pagka-Pangulo Setyembre 8, 2021


In his 6th and final State of the Nation Address last July 26, President Rodrigo Duterte admitted that he was wrong to think that leading the country is as simple and easy as leading Davao City.

Walang debate sa katotohanan. Hindi natin dapat payagan ang maling akala para sa kinabukasan ng ating bansa.

Sa gitna ng pandemya:

Baon sa utang ang bansa; marami ang nawalan ng trabaho dahil nagsara ang maraming negosyo; nadagdagan ang bilang ng mahihirap; lalo pang dumami ang mga kumakalam ang sikmura; talamak ang korapsyon; laganap pa rin ang ilegal na droga; unti-unti, nawawala ang ilang bahagi ng ating teritoryo sa West Philippine Sea.

Ilan lamang ito sa malalaking problemang nagdudulot ng kawalan ng pag-asa ng mga Pilipino.

Hindi biro-biro ang mga pagsubok na haharapin ng susunod na administrasyon.

Between me and Senate President Sotto are more than 80 years of honest, dedicated, and competent public service.

Mayroon kaming sapat na Kakayahan, Katapatan, at Katapangan upang pamunuan ang ating bansa at upang muling bumangon sa ating pagkakalugmok.

Malaking hamon subali’t kailangang maibalik ang tiwala ng ating mamamayan sa gobyerno at sa mga namumuno.

I could not stress it enough — ang tamang pamumuno ay dapat pangunahan ng “Leadership by example” — hindi sa salita kundi sa gawa. No leader can succeed if he cannot practice what he preaches.

Kailangan natin ng lider na ang tama ay ipaglalaban at ang mali ay lalabanan. Kaya naman magiging una sa ating prayoridad ang mas maigting na pagtugon sa pandemya. Marapat lamang na punan ang mga kakulangan at ituwid ang mga kamalian.

We have to prepare for sustainable recovery from this health crisis. I have no doubt that with a united citizenry, we will soon see the day that COVID-19 will no longer be a scare.

Kailangan ang mahigpit na disiplina sa paggastos ng kaban ng bayan. Walang mangungurakot at magsasamantala, malapit mang kaibigan o hindi kilala. Dapat isa lamang ang pamantayan na susundin at ipapatupad ng lahat, para sa lahat. Walang sisinuhin sa mga ganid na ginagawang negosyo ang gobyerno.

Dapat maikalat at maibahagi sa iba’t-ibang sulok ng kapuluan ang mas malaking resources ng bansa. Local government units must be given bigger roles and responsibilities and more autonomy in nation-building, but with greater accountability. The National Government will be their Big Brother watching over their shoulders. Hindi lamang upang tulungan at gabayan na paunlarin ang kani-kanilang mga komunidad, kundi papanagutin ang sinumang magkukulang o magmamalabis.

Kaunting tiis na lang, malapit na, makakaahon na tayo.

As we speak, we are in the process of drawing up a roadmap or a master plan that will serve as our platform of government that we intend to present to our people. After all, sa takdang panahon, kayo ang magdedesisyon kung karapat-dapat ba kaming pagkatiwalaan na mamuno sa ating bayan.

We are nearing the crossroads of our nation’s modern history — and we cannot afford to choose the wrong direction in charting the course of our nation in the next six years.

Having said all that, with all your help and cooperation, this is where Tito Sotto and I intend to steer our country:

FROM DESPAIR TO HOPE…

FROM APATHY TO EMPATHY…

FROM FEAR TO TRUST…

FROM POVERTY TO PROSPERITY…

FROM SELF-PITY TO DIGNITY…


THE FILIPINO DESERVES NO LESS.



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post