Wednesday, September 29, 2021

 Karagdagang Hakbang para Maenganyo ang Pilipino para Magpabakuna, Isinusulong ni Ping

Setyembre 29, 2021


Setyembre 29, 2021 - Maaaring maengganyo ang mga Pinoy na magpabakuna bunga ng mga insentibo mula sa gobyerno at pribadong sektor, tulad ng pagpapahintulot sa mga bakunado na mag dine-in, mamili at pumasok sa mga indoor establishments.


Isinulong ito ni Sen. Panfilo Lacson nitong Miyerkules kasabay ng kanyang muling panawagan sa gobyerno na siguraduhing sapat ang supply ng bakuna para sa lahat.


"Instead of forcing vaccines on people, why not make them force themselves to get inoculated? A policy of allowing only fully vaccinated customers to eat indoors, while limiting the unvaccinated to Al Fresco dining is an example. But first, make vaccines available to all," ani Lacson sa kanyang Twitter post.


Ayon kay Lacson, ang ganitong polisiya na sinimulan nang ipatupad ng ilang pribadong establisimyento ay maaaring suportahan ng tamang information at education campaign para ipaalam sa mga tao ang kahalagahan ng pagpapabakuna.


Dagdag ni Lacson, ang ganitong win-win approach ay makakatulong sa kalusugan ng publiko at sa ekonomiya, habang ginagalang ang karapatan ng indibidwal na tao sa kanilang katawan at ang karapatan ng iba na hindi mahawa.


"We're facing a pandemic. How can we get out of the pandemic without taking the needed preventive measures?" ani ni Lacson.


Sa kabilang banda, binigyang diin ni Lacson na kailangang mas pagtuunan ng pansin ng otoridad ang pagbabahagi ng bakuna sa mga malalayong lugar dahil ang rollout sa mga probinsya ay umaabot sa 16 porsyento lamang.


Ani Lacson, nalaman nila ito nang bumisita sila ni Senate President Vicente Sotto III sa Leyte.


"We have been informed that only 16 percent of the population there had been vaccinated. In Metro Manila, officials claim the rollout is nearing 100 percent. We should also mind people in the countryside. They are entitled as much as we are but the rollout in the provinces and far-flung areas needs to improve," sabi ni Lacson sa kanyang panayam sa ANC nitong Martes.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post