Ping: Pagtugon ng Pamahalaan sa Delta Variant Pinalubha ng Korapsyon
Hindi na nga sapat ay lalo pang pinalupaypay ng korapsyon ang pagtugon ng gobyerno sa lumalalang pananalasa ng Delta variant ng COVID-19.
Ito ang nagdadalamhating pahayag ni Senador Panfilo Lacson sa kasalukuyang estado ng mga hakbang ng pamahalaan sa paglaban sa pandemya kasabay ng pagsasalarawan na nakakapanlumo, nakakadismaya at nakakagigil ang mga nalalantad sa imbestigasyon ng Senado sa mga iregularidad sa pagbili ng mga gamit sa paglaban sa COVID-19.
Isiniwalat ni Lacson sa panayam sa kanya ng ANC na kabilang sa mga iregularidad na ito ay ang nabigong pagtatangka ni dating Department of Budget and Management Procurement Service head Christopher Lao para i-reclassify bilang “confidential” sa ilang mga empleyado ng ahensya.
“While the Delta variant is to be blamed, ang ma-blame mo rin government response. We’re not responding accordingly sa prevailing situation. To make matters worse, may corruption involved. Naroon ang problema,” ayon kay Lacson.
Ayon kay Lacson, ang pagtatangka ni Lao na i-reclassify bilang “confidential” ang ilang empleyado ng PS-DBM ay naganap noong Pebrero matapos na siya ay maitalagang OIC ng PS-DBM pero tinanggihan ito ng Civil Service Commission (CSC).
“Ang question, bakit kailangan ang confidential employees sa isang ahensya ng government na nag-procure,” banggit ni Lacson.
Inungkat din ni Lacson ang pagluluwag ng Food and Drugs Administration (FDA) sa mga requirements nito sa pocurement, pero nagpatupad ng ibayong paghihigpit matapos na makapagdeliver ang Pharmally Pharmaceuticals Corp.
Isiniwalat ng mambabatas na iminungkahi niya kay Senate Blue Ribbon Committee chairperson Richard Gordon na i-summon ang mga dokumentong kinabibilangan ng mga taga-Bids and Awards Committee ng PS-DBM at iba pang kailangang papeles para makasali sa bidding.
Ayon sa mambabatas, mayroon na umanong nagpapakita ng kahandaan ng pagtestigo sa isinasagawang imbestigasyon.
“I hope pagka nag-testify ang sinasabi ko, mag-open up lahat. Maraming mabubuksan dito. I hope chairman of the Blue Ribbon Committee and my colleagues will still continue this investigation. That’s all I can say now. We’re waiting for developments and I hope this can open up a whole lot of information,” ayon sa mambabatas.
Bukod sa mga nabanggit, isiniwalat din ni Lacson na may mga malilinaw na senyales ng korapsiyon din siyang nakikita sa pagbili ng DOH ng mga ambulansiya na overpriced ng P1 milyon bawat isa.
0 comments:
Post a Comment