Sunday, September 5, 2021

 Bakit ang OVP ni Leni ‘very good’ sa CoA?; at si Lacson lang sakalam!

HALOS lahat ng ahensiya ng gobyerno ngayon ay ni-red flag ng Commission on Audit. Ngayong administrasyon lang lang ito nangyari. Ibig sabihin nito ay grabe ang katiwalian ngayon kumpara sa mga nagdaang pamahalaan.

Isang tanggapan ng gobyerno nalang ngayon ang malinis sa audit ng CoA. Ito’y ang Office of the Vice President ni Leni Robredo.

Simula 2016 hanggang 2020, ang OVP ni Leni ay “very good” sa CoA, walang nakitang katiwalian. Malinis! Ibig sabihin ay nagamit sa tama ang pondo, ang taxpayers money. Mismo!

Sa lahat ng gov’t. agencies, ang OVP ni Leni lamang ang nabig-yan ng kakarampot na pondo, wala sa kalingkingan ng intel fund ni Duterte, pero may pinakamaraming naayudahan lalo ngayong may pandemya.

Ibig sabihin nito, kahit maliit ang pondo basta’t nagagamit ng tama ay marami ang nagagawa. Mismo!

***

Ipokrito, ipokrita.

Ganyan maisasalarawan ang ibang politikong pomupostura sa 2022 elections dahil bagama’t kitang-kita at halatang-halata na ang kanilang galaw ay todo-tanggi parin kapag tinatanong kung tatakbo ba o hindi?

Sa mga reeleksiyunistang senador, medyo diretso ang sagot na nakukuha ng publiko. Pero ‘yung mga gustong sumabak sa una, pangalawa o marami nang pagkakataon na napagtatatalo naman, wala kang makukuhang diretsong kasagutan gaya lamang nina Salvador Panelo at Harry Roque.

Mas matindi ang mga umaasinta sa pagkapangulo dahil kahit na anong paikot-ikot ng tanong sa kanila ay umiikot din lang sa mga katagang “sa tamang oras ko sasabihin.”

Sa unang araw ng Oktubre, 26 days mula ngayon, ay umpisa na ng filing ng certificate of candidacy (COC) pero hanggang ngayon ay tanging si Ping Lacson pa lamang ang nagdideklarang siya ay siguradong sasabak sa pampanguluhang halalan, ka-tandem si Senate President Tito Sotto. Mismo!

Ang deklarasyon na ito, bagama’t kailangan pang isapormal ay naging daan para mailahad niya sa taumbayan ang mga prayoridad sakali mang siya ang mahalal na Presidente, bagamat hindi pa nalalaman ng publiko kung sinu-sino ang makakalaban dahil puro nga ipokrito at ipokrita ang ibang pumoporma.

Bilang pinakakomplikadong obligasyon sa sarili, mahalaga ang maagang pagpapasya at pagpapaalam sa tao ng interes na pamunuan ang bansa dahil ito rin ang maghuhudyat sa kanila para maagang suriin ang kalidad ng nagpiprisinta.

Kaya nga ba, kumpara sa ibang porma palang nang porma ay malayo na ang nalalakbay ni Ping sa larangan ng pagsusuri ng tao sa kanyang kakayahan, at positibong impresyon ang kanyang inaani, buhat nang mag-ikot sa Northern Luzon hanggang sa bumalik sa Bulacan nitong mga nakaraang araw.

Kaya nga kung pagpiprisinta sa publiko bilang President ang pag-uusapan, wala na kay Ping ang hamon sa ilalim ng kasalukuyang situwasyon.

Malinaw na ang hamon ay sa mga pomoporma pa lamang at kabilang sa mga tanong ay kung paano nila tatapatan o hihigitan ang mga solusyon na inilatag ni Ping para maresolba o maharap ang mabigat paring problema ng bansa sa pandemya.

Hindi kayang tapatan ng pagsasayaw-sayaw, kanta, pagpa-patawa at paghahakot ng artista o troll sa social media ang mga naipundar na ni Ping para maipakita sa botante kanyang kakayahan, katapatan at katapangan.

Sa situwasyong ito, lamang talaga ang may totoong baon na plataporma at unang nagpiprisinta. Mismo!

Kaya VP Leni, Isko, Pacquiao, BBM, Sara, ano na?




0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post