Abril 9, 2022 - Kabilang sa mga tinutularan ng tandem ni presidential aspirant Senador Ping Lacson at vice presidential candidate Senate President Tito Sotto ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal at rebolusyonaryong si Andres Bonifacio.
Ayon sa tandem, ang dalawang bayaning ito ay nagpakita ng taglay na katapangan at nagsakripisyo ng kanila buhay para sa bansa at sa sambayanang Pilipino.
"Sa akin, nobody can match Jose Rizal kaya siya ang ating national hero. Kung babasahin ang kanyang biography… he sacrificed his life for the Filipino people," ani Lacson. Para sa independent presidential aspirant, tunay na bayani niyang maituturing si Rizal.
Para kay Sotto, kakaibang katapangan naman ang ipinamalas ni Bonifacio na tinagurian na Ama ng Katipunan.
Katulad nila, sinabi ng tandem na gagamitin nila ang kanilang katapangan, kakayahan at katapatan para bigyang tugon ang mga problema ng bansa sakaling palarin sila na mahalal sa Mayo.
Sa kabilang banda, pinapurihan naman ni Lacson ang mga ordinaryong Pilipino para sa kanilang katapangan na iparating ang kanilang hinaing sa gobyerno base sa serye ng mga konsultasyon na kanilang isinagawa sa mga probinsya.
"Hindi ganun kasimple ang tanong, from fisherfolk, farmers and the transport sector. Minsan sa mga tanong nila napilitan kaming mag-aral pa para update ang information na alam namin," ani Lacson.
*********
0 comments:
Post a Comment