Friday, April 29, 2022

Ping, Mas Dumarami Pa Ang Nakumbinsing Mga Botante sa Bicol

Abril 30, 2022 - Mas dumarami pa ang nakumbinsing mga botante ni independent presidential candidate Sen. Panfilo "Ping" M. Lacson nang bumisita siya sa Bicol nitong Biyernes.


Ayon kay Lacson at senatorial bet Minguita Padilla, maganda ang naging pagtanggap ng mga residente ng Catanduanes at Camarines Sur sa kanilang pakikipag-usap sa mga ito sa naganap na townhall meeting sa lugar.


"Sa una, parang kaunti lang ang responses na narinig, yung reactions. But then after the open forum, something really changed, talagang na-reversed ang situation, so we would like to think na yung conversation napakalaki. Kasi naiba talaga, very very visible," ani Lacson.


Pagbabahagi ng independent presidential aspirant, pinalawig pa nila ang oras ng kanilang pakikipag-usap sa mga botante sa Catanduanes dahil sa partisipasyon ng mga ito sa nasabing townhall meeting.


Kwento pa ni Padilla, may mga residente roon na may suot ng pink masks at sinabi sa kanila na "nag-switch na kami."


"As it turned out, nakapag-convert and that was very evident in Catanduanes," sabi ni Lacson.


Maganda rin ang naging pagtanggap ng mga residente sa Naga sa isinagawang town hall event at pinakinggan ang kanilang mga plataporma hanggang dulo ng programa.


Para kay Lacson, ang kanyang pangangampanya sa Bicol ang mas lalong nagpaigting ng kanyang naisin na ipanalo ang kandidatura para maipatupad ang kanyang mga plano at tapat na naisin para sa bayan.


*****

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post