Tuesday, April 5, 2022

Ping, Pinasalamatan si Jagna Mayor Rañola sa Paghikayat Nito na Siyasating Mabuti ang Badyet ng Bayan

Abril 5, 2022 - Isang mayor sa Bohol ang nagtulak kay independent presidential candidate Sen. Panfilo "Ping" Lacson na siyasatin ang pambansang badyet.


Sa kanyang pakikipagpulong sa mga sectoral groups sa Bohol nitong Martes, pinasalamatan ni Lacson si Jagna Mayor Joseph Rañola sa pagtuturo sa kanya ng mga bagay na kinalaman sa badyet.


"There’s one person who taught me everything. The Filipino people owe it to him na may Sen. Lacson sa Senado na nagtitiyaga at nagkakalkal ng budget," ani Lacson.


Sinabi ni Lacson na si Rañola ang nagpaintindi sa kanya ng importansya ng badyet para sa taumbayan.


Ibinahagi ng independent presidential aspirant na marami siyang inaral noong nanalo siya sa pagka-senador noong 2001. Mula sa pagiging law enforcer, sinikap ni Lacson na pag-aralan ang badyet, na malayo sa kanyang kinagisnang karanasan sa law enfotcement kung saan nakilala siya sa kanyang pag resolba sa kidnap-for-ransom cases, mga kaso ng pagnanakaw at iba pang krimen.


Si Rañola rin aniya ang nagturo sa kanya na bigyan ng sapat na badyet ang local government units upang matulungan sila na magpatupad ng kani-kanilang proyekto.


Sa kanyang 18 taon bilang senador, matiyagang sinisiyasat ng senador at ng kanyang staff ang mga kwesyonableng insertions sa badyet.


"Mahirap pag-aralan pero sa turo niya, pinagtiyagaan at pinagaralan ... at nakabisado ko na rin," saad ni Lacson.


"Because of the scrutiny, we saved taxpayers at least P300 billion," dagdag ng senador.


Kasama ni Lacson na mainit na tinanggap sa Bohol ay ang kanyang ka-tandem na si Senate President Vicente "Tito" Sotto III, kasama ang kanilang senatoriables na sina  Minguita Padilla at Emmanuel Piñol.


Patuloy ang kampanya ng Lacson-Sotto tandem para ipaglaban ang kanilang kampanya para sa isang tapat na gobyerno. Tinatayang 40 porsyento na soft votes ang posibleng matanggap ng tandem, kung saan ang mga botante ay kinokonsidera na iboto ang tandem ngunit nagdadalawang isip pa dahil hindi sila nangunguna sa survey.


Para sa tandem, panahon na para mag-isip ang mga botante para sa kanilang sarili at di magpa-dikta sa resulta ng survey. Pinakamahalaga anila ang iluklok sa pwesto ang mga lider na may sapat na karanasan at integridad sa pagbibigay serbisyo publiko.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post